Hiling ni Fernandez kay Pacquiao…
- Published on August 28, 2021
- by @peoplesbalita
Isa pang laban bago magretiro!
Ito ang pananaw ni chief trainer Buboy Fernandez kung saan hangad nitong magkaroon ng engrandeng pagtatapos ang boxing career ni People’s Champion Manny Pacquiao.
Nais ni Fernandez na makabawi si Pacquiao matapos ang masaklap na unanimous decision loss kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas noong Linggo sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.
Hindi naman pinapangunahan ni Fernandez ang pagdedesisyon ni Pacquiao.
Nakasalalay pa rin ang lahat sa magiging pinal na desisyon ng Pinoy champion kung lalaban pa ito o tuluyan nang iiwan ang boxing world.
Subalit nais nitong maging maganda ang exit ni Pacquiao upang mas lalo pang maging maningning ang pangalan nito.
“Siyempre ang makakapag-desisyon lang niyan ay si senator,” ani Fernandez.
Isang rematch kay Ugas o sa sinumang kilalang boksingero ang mas nanaisin ni Fernandez sakaling matuloy ang inaasam nitong “last hurray” ni Pacquiao.
Umaasa naman ang ilang analysts na tuluyan nang magreretiro si Pacquiao lalo pa’t hindi na rin ito bata.
Nasa 42-anyos na si Pacquiao kung saan napansin ng ilang eksperto na bumagal ito sa kanyang huling laban.
Sa kabilang banda, naniniwala ang ilang eksperto na wala nang dapat pang patunayan pa si Pacquiao.
Anuman ang naging resulta ng huling laban nito, hindi na mabubura sa isipan ng lahat na isa si Pacquiao sa pinakamahusay na boksingero sa kasaysayan na maisasama sa listahan ng Greatest Boxers of All Time.
-
Pigaan ng utak sa Tarlac chess, sisiklab
MAGPAPASIKLABAN ngayong araw (Sabado, Pebrero 29) ang mga woodpusher sa Tarlac City Chess Club Inc. Open Invitational Chess Tournament at sa 2200 And Below Rapid Chess Championship sa Brgy. Sto Cristo Gym sa Tarlac City. Suportado nina TCCCI president Arnold Soliman, sportsman Jesus Tayag, ABC president Winston Torres at New York-based Rainier Labay ang […]
-
Bawal ang pahinga kay EJ
MULING makakaharap ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena sina world record-holder Mondo Duplantis ng Sweden at American Chris Nilsen sa Kamila Skolimowska Memorial sa Chorzow, Poland sa Agosto 6. Kagagaling lamang ng 6-foot-2 na si Obiena sa makasaysayang bronze medal finish sa World Athletics Championship sa Eugene, Oregon. Lumundag si […]
-
DOTR, handa sa ‘UNDAS’
NAKAHANDA na ang transport sector ng bansa para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa panahon ng pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day ngayong linggo. Sa press briefing sa Malaanyang, araw ng Lunes, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang Department of Transportation (DOTr) at iattached agencies nito ay nagsagawa […]