• March 25, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Hinahanap ni Duerte na next PhilHealth chief, magaling sa ‘legal at accounting’

Posibleng may bago na umanong PhilHealth president at chief executive officer ngayong linggo.

 

Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Duque, sa ngayon ay puspusan na ang paghahanap daw ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ipapalit sa nag-resign na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at CEO Ricardo Morales.

Sinabi pa ni Duque, na tumatayong chairman ng PhilHealth board, ang hinahanap daw ngayon ng Office of the President ay magaling pagdating sa pamamahala sa pinansiyal na aspeto.

 

Kabilang pa raw sa katangian na nais nila ay may background sa legal at sana ay maalam din sa accounting.

 

Kung maalala una nang naghain ng kanyang medical leave si Morales pero nitong nakalipas na araw ay pinakiusapan daw ng Presidente na mag-resign na lamang.

 

“Si Pangulo right now is already looking for a replacement,” ani Duque sa isang press briefing sa Laguna sa pagbubukas ng mega quarantine facility. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Saso nasa ika-61 puwesto

    TUMIRADA si Yuka Saso ng even-par 72 para makihanay sa 15 magkakatabla para sa 61st place sa pagbubukas Biyernes ng ¥100M (₱44.5M)  12th T point x Eneos golf tournament sa Kagoshima Takamaki Country Club sa Kagoshima Prefecture, Japan.     Kaya kailngang magtrabaho nang todo ng 19-anyos na Fil-Japanese na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan […]

  • Pinaratangan ng netizens dahil maganda ang hugis ng ilong: RYZA, naaaliw at natatawa na lang sa tsikang nagparetoke

    BEST birthday raw para kay Heart Evangelista ang kanyang kaarawan ngayong taong ito.       Ika-38th birthday ni Heart today, Valentine’s Day at ang ang hindi inaasahang pa-birthday surprise raw sa kanya ng kanyang Mister na si Senator Chiz Escudero ang mukhang nagpa-kilig kay Heart.     Obviously, isa sa espesyal at memorable teleserye ni Heart […]

  • 3,012 BUSINESS ESTABLISHMENT NAGHAIN NG TEMPORARY CLOSURE

    NAGHAIN sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang may 3,012 na mga establishment ng temporary closure matapos na maapektuhan ng COVID-19 pandemic.   Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III,nangangahulugan umano ito na mawawalan ng trabaho pansamantala ang may 100,000 empleyado.   Una nang sinabi ni Bello na aabot sa may 2.7 milyon workers […]