• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinalintulad kung paano gawin ang isang Pinoy breakfast: Sen. IMEE, ipinakita kay BORGY at netizens ang proseso sa paggawa ng batas

KAKAIBANG family bonding ang handog ni Senadora Imee Marcos at kanyang panganay na si Borgy Manotoc, sa isang bagong vlog na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel, in-upload na ito kahapon, Biyernes, Enero 13.

 

 

Para sa espesyal na vlog entry na ito, magpapahinga muna sina Sen. Imee at Borgy sa kanilang masaya at nakatatawang mga adventures dahil pag-uusapan nila ang mga basics ng paggawa ng batas na mahalagang malaman ng bawat Pilipino.

 

 

Sa tulong ng ang social media personality na si Juliana Parizcova-Segovia, ipinakita ng Senadora kay Borgy ang proseso kung paano gumawa ng batas gamit ang step-by-step procedure kung paano gawin ang Pinoy breakfast staple na longganisa bilang isang relatable na metaphor.

 

 

Dahil halos 500 panukalang batas na ang kanyang nai-akda sa Senado, ipinaglalaban ni Imee ang mga kababaihan; ang gender equality; kultura at sining; ang kahirapan at gutom at pati na rin ang kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda na ilan lamang sa mga adbokasiya na malapit sa kanyang puso.

 

 

Nais lagyang ng konting wit at kasiyahan ng vlog upang mapa-simple ang konsepto ng pagsusulat ng batas para sa mas maintindihan ng mga loyal YouTube subscribers ni Sen. Imee ang isa sa mga trabaho niya sa Senado, sa isa sa
kanyang pinaka-enlightening at informative vlog entries to date.

 

 

Aalamin ang basics ng lawmaking at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads December 29, 2022

  • 250K Moderna vaccines parating sa Hunyo 27

    Inaasahang darating na sa bansa ang may 250,000 doses ng Mo­derna COVID-19 vaccines sa Hunyo 27.     Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor.     Bukod dito, dara­ting din sa Hunyo 24 ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac at […]

  • Walk-in vaccination inilunsad sa Navotas

    Inaprubahan ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang walk-in vaccination para mapabilis ang pagbibigay ng Coronavirus Disease vaccine.     Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang mga residente na may edad na 18 hanggang 59 na may comorbidities ay maaari sa walk in vaccination sa Kaunlaran High School.     “We did a […]