Hindi dapat maging bastos at walang galang dahil lamang sa usapin ng pinagtatalunang WPS
- Published on May 6, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi dapat maging bastos at walang galang ang mga Filipino dahil lamang sa ‘overlapping claims’ ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).
Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos magpalabas ng matatapang na salita ang kanyang mag alter ego na sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Defense Secretary Delfin Lorenzana, kaugnay sa patuloy na pananatili ng Chinese ships sa WPS.
“China remains to be our benefactor and just because, if I may just add something to the narrative, just because we have a conflict with China does not mean to say we have to be rude and disrespectful,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.
“As a matter of fact we have many things to thank China for in the past and itong tulong nila ngayon,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, sa nagdaang Talk To The People ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na Isang mabuting kaibigan ang China.
Pinanindigan din ng Chief Executive na hindi makikipaggiyera ang Pilipinas sa China dahil lamang sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Aminado si Pangulong Duterte na malaki ang utang na loob ng bansa sa China dahil sa mga donasyon nilang COVID-19 vaccines para sa mga Pilipino.
Iginiit ng Pangulo na hindi gagamit ng dahas ang bansa para ipaglaban ang ating teritoryo.
Hindi niya ipapadala ang mga sundalo sa giyerang hindi mananalo ang bansa.
Binigyang diin pa ng Pangulo na hawak na ng China ang lugar mula nang umatras ang Pilipinas noong nakaraang administrasyon.
Gayumpaman, umaasa si Pangulong Duterte na maiintindihan ng China ang katayuan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. (Daris Jose)
-
Pagku-quit sa showbiz, itsa-pwera na: BEAUTY, ipinagmamalaki ang mga tattoo maliban sa ‘butterfly’
KINUNAN namin ng pahayag si Beauty Gonzalez tungkol sa isyu ng kanyang mga alahas na isinuot sa GMA Ball noong July 22, 2023 kung saan isang cultural critic at independent curator, si Marian Pastor Roces. Sinita ang aktres dahil sa paggamit ng mga alahas na galing sa patay o “death mask” na ginagamit na pangtakip […]
-
Microsoft Surface Hub, itinurn-over sa DepEd Central Office sa Pasig City
ITINURN-OVER na ng USAID Philippines ang Microsoft Surface Hub sa Department of Education (DepEd) Central Office sa Pasig City kamakailam. Ang Microsoft Surface Hub ay digital device na may kakayahang mag-integrate ng multi-platform system, mag-mirror screen para sa remote learning at nakadisenyo para sa iba’t ibang aktibidad na makatutulong sa mga guro at […]
-
First time pa lang magkakasama sa isang TV show: DINA, puring-puri si ALMA na itinuturing na niyang kaibigan
HUMANDA sa pagdagundong nang dalawa sa pinaka-feistiest women ng Philippine show business na sina Ms. Alma Moreno at Ms. Dina Bonnevie, sa kakaiba nilang kakulitan na abot sa bardagulan level sa bagong comedy series na Kalye Kweens. Magpe-premiere na ito sa Oktubre 1 at ipapalabas tuwing Sabado ng 8:30 pm sa TV5 at […]