• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi lang sa fashion events rumarampa: HEART, mapapanood naman sa ‘The Wedding Hustler’ after ng cameo sa ‘Bling Empire’

HINDI lang pala sa mga fashion events sa Europe rumarampa si Heart Evangelista kundi pati na rin sa Hollywood.

 

Pagkatapos ng kanyang cameo appearance sa 3rd season ng Netflix series na ‘Bling Empire’, mapapanood naman next si Heart bilang guest sa pelikulang ‘The Wedding Hustler’.

 

Sa trailer ng naturang pelikula na tungkol sa isang engaged Asian-American couple na gagawin ang lahat para lang matuloy ang kanilang wedding sa gitna ng COVID-19 pandemic, lumabas si Heart sa isang video call sa kanya ni Kane Lim (of Bling Empire) na gumaganap bilang wedding hustler.

 

May dialogue pa si Heart sa trailer na: “Well, you know what, love is love. Now, if they really love each other, they’re going to work it out.”

 

Nag-shoot pala si Heart para sa naturang movie noong lumipad ito for Los Angeles noong 2021.

 

Ang iba pang bumubuo ng cast ng ‘The Wedding Hustler’ ay sina Christine Chang, Chris Soriano and Hillary Soriano.

 

Ipapalabas sa streaming platform na Amazon Prime Video ang ‘The Wedding Hustler’ bago matapos ang taon.

 

***

 

MUKHANG wala na talagang pakialam si Max Collins sa sasabihin ng ibang tao dahil muli niyang pinakita ang kanyang alindog sa bagong photoshoot niya para sa ini-endorse na fashion undergarment.

 

Pinainit nga ni Max ang paligid dahil sa topless shoot niya at may pasilip na side boob. Panty nga lang ang suot ni Max at tinakpan niya ng kanyang kamay at braso ang mga malulusog niyang dibdib.

 

Gusto lang yatang patunayan ni Max na kahit may anak na siya, isa pa rin siyang hot mama!

 

Caption pa niya sa pinost na sexy photo sa Instagram: “Damned if I do and damned if I don’t, so might as well hang loose.”

 

May isa ring kuha si Max na ang suot niya ay plaid long sleeve polo shirt at underwear lamang, pero angat pa rin ang mala-diyosa niyang ganda.

 

Kahit na patuloy ang pagpapasabog ng alindog ni Max, hindi niya nakakalimutan na maging hands-on mom sa kanyang two-year old son na si Skye Anakin.

 

Inamin ng aktres na mahirao na pagsabayin ang pagiging ina at pagiging career woman. Pero nandoon daw ang fulfillment niya bilang isang babae.

 

Ano kaya ang reaction ni Pacho Magno sa latest photoshoot ni Max? Nag-init din kaya siya?

 

Marami pa rin ang naghihintay kung ano nga ba ang estado ng pagsasama ng dalawa? Kung sila pa rin ba o hiwalay na talaga?

 

Obserbasyon ng netizens, sa kinikilos ni Max ngayon, mukhang wala na ngang sey si Pancho sa mga ginagawa nito.

 

***

 

LSS na ba ang lahat? “Love is Us this Christmas” na nga ang pinakabagong anthem ng mga Pilipino ngayong Kapaskuhan!

 

After i-release ang lyric video noong October 23, kaliwa’t kanan na ang papuri ng netizens para sa GMA Christmas Station ID (CSID) ngayong taon. May magandang mensahe ito tungkol sa real definition of love gaya ng pagpapasaya ng ibang tao this holiday season.

 

“Ganda ng meaning ng song! Galing talaga ng GMA! Lakas maka-worship song neto. Lyrics pa lang ‘yan pero ang ganda nang pakinggan. Lalo na kapag mas maraming artists na ang mapapanood namin,” say ng ilang netizens sa GMA Network Facebook page.

 

At syempre, dahil November na at natapos na rin ang Halloween, feel na feel na talaga natin ang Christmas spirit everywhere kaya naman malapit na rin nating ma-witness ang full-length 2022 GMA Christmas Station ID!

 

Sinu-sino kaya ang mga Kapuso celebrity na tampok sa CSID for this year? Sabay-sabay nating abangan ang official video ngayong Linggo, November 6, sa ‘All-Out Sundays’.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Rep. Velasco: ‘Tahimik lang akong nagtatrabaho bilang paggalang sa term-sharing agreement’

    Nagsalita na rin si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa gitna ng patutsada ng kampo ni House Speaker Alan Peter Cayetano na siya ang nasa likod nang ouster plot laban sa liderato ng Kamara.   Sa isang Facebook post, sinabi ni Velasco na sa simula pa lang nang mabuo ang gentleman’s agreement nila ni Cayetano […]

  • Pamahalaan umaasang ang China ang magpopondo sa P300 B railway projects

    UMAASA  pa rin ang pamahalaan na ang China ang siyang magpopondo sa P300 billion na railway projects kung saan sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na sa pribadong sektor ibibigay ang tatlong (3) railway projects.       Sinabi ni DOTr undersecretary Timothy John Batan na ang pamahalaan sa pangunguna ng Department of […]

  • 2 wanted person nalambat sa Valenzuela

    DALAWANG wanted person ang natimbog ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.     Dakong alas-5:55 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni (SS6) commander PLT Armando Delima at deputy chief  SS6 PLT MAuel Cristobal, kasama sina PSMS […]