Hindi lisensyadong COVID-19 Testing Lab na nag-aalok ng RT-PCR test sa Valenzuela, ipinasara
- Published on February 2, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinasara at sinuspinde ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang business permit ng Bestcare Medical Clinic at Diagnostic Center, Inc. makaraan ang natanggap na mga ulat na nag-aalok ito ng RT-PCR swab test na walang lisensya bilang isang accredited COVID-19 testing facility.
Ito’y matapos lagdaan ni Mayor Rex Gatchalian ang Executive Orders No. 015 at 016 Series of 2021 kung saan nakasaad ang suspensyon ng permit at pagpapasara ng dalawang sangay ng Bestcare sa Barangay Karuhatan.
Kabilang sa mga batayan ng Pamahalaang Lungsod para sa pagsuspinde ng business permit ay 1) paglabag sa Mayor’s Permit, 2) paglabag sa Waiver/Undertaking, 3) paglabag sa Consumer Rights, at 4) paglabag sa provision ng Local Government Code on General Welfare.
Ang Bestcare ay lumabag din sa mga probisyon ng RA 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concerns Act para sa pagkabigo na mag-ulat ng COVID-19 test results at para sa diumano’y paglabas ng mga resulta ng RT-PCR na walang lisensya bilang isang COVID- 19 testing laboratory.
Sa liham nito na may petsang Enero 27, ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng lungsod ay naglabas ng isang notice to explain sa Bestcare Medical Clinic and Diagnostic Laboratory matapos matanggap ang impormasyon ng tanggapan na ang clinic ay “committed acts of falsifying swab test results” gamit ang pangalan ng ibang laboratory.
Dahil under investigation pa ito, minabuti ng Pamahalaang Lungsod na suspindihin ang business permit ng Bestcare bilang proteksyon ng mga consumer rights at kapakanan ng publiko habang ang klinika ay nag-aalok ng COVID-19 RT-PCR test sa ilalim ng pangalan nito nang walang lisensya bilang isang COVID-19 testing facility.
Sa tugon ng Bestcare sa lungsod na may petsang Enero 29, hindi rin direktang hinarap ang isyu sa nakasulat na paliwanag nito sa Pamahalaang Lungsod para sa umano’y “questionable actions”.
Ipinaalala ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa publiko na maging mapagbantay at mag-ingat sa mga laboratoryo na nag-aalok ng mga kahina-hinalang COVID-19 test at serbisyo saka iulat ang mga posibleng paglabag sa BPLO sa 8352-1000. (Richard Mesa)
-
SHARON, sinagot ang tanong ng netizen: ‘wedding ring’ nila ni GABBY matagal nang binigay kay KC
ILANG araw after na makapag-vaccinate si Megastar Sharon Cuneta, masaya naman niyang pinost ang pagmo-mall nila na aminadong na-miss niya. Say ni Sharon, “I missed and still miss this mall near my former home here. Happy to be here again though! First time at a mall since March 2020!!!” Kasunod nito […]
-
PDu30, muling ipinagtanggol si Sec. Duque sa mga kritiko nito
MULING ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa mga kritiko nito sabay sabing wala siyang nakikitang mali sa Kalihim. Kaya nga, nananatili ang kumpiyansa ng Pangulo kay Sec. Duque. Giit ng Pangulo, hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang inaaway si Sec. Duque at palabasing ito […]
-
Galvez nag-sorry sa mga ‘lapses’ sa protocols sa dolomite beach
Humingi ng paumanhin sa publiko si National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Manila Bay. Pinangangambahan kasi ng ilang health experts na maging super spreader event ang pagpunta ng libu-libong katao sa white sand area ng Manila […]