Hindi naman kailangan na may relasyon: DERRICK, inaming mahal niya si ELLE at nag-a-‘i love you’
- Published on October 31, 2022
- by @peoplesbalita
SA mediacon via Zoom ng Return To Paradise ng GMA, inamin ni Derrick Monasterio na nag-a-‘I love you’ siya kay Elle Villanueva.
Pero wala raw silang relasyon, ayon pa rin kay Derrick.
Hindi naman raw porke sinasabihan niya ng ‘I love you’ si Elle ay nangangahulugang may relasyon na sila.
“Mahal ko naman talaga si Elle, pero it doesn’t mean na may relasyon kami,” pahayag ni Derrick.
“Puwede mo namang mahalin ang isang tao kahit wala kayong relasyon. Puwedeng mahal mo ang isang tao dahil mabait siya sa iyo, masarap siyang katrabaho at masarap siyang kasama.
“So yeah, mahal ko si Elle!”
***
KAMAKAILAN lang, habang nasa set ng GMA inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap ay magkasunod na binisita si Carmina Villarroel ng kaniyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Makalipas ang ilang linggo, hindi na rin nagpahuli ang asawa ni Carmina at former Apoy Sa Langit star na si Zoren Legaspi sa pagsorpresa sa aktres.
Sa latest Instagram post ng aktres, makikitang sweet na sweet sila ng kaniyang asawa sa isang video at ilang photos. Kuha ito nang bisitahin ni Zoren si Carmina habang nasa taping ng hit drama series.
Ayon sa Abot Kamay Na Pangarap lead star, gusto raw ni Zoren na personal siyang batiin nito dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings ng kaniyang proyekto.
Mababasa sa kaniyang caption, “Woohoo! Another visitor and this time it’s tatay! @zoren_legaspi he wanted to congratulate me in person because of Abot Kamay na Pangarap’s high ratings… Thank you honey. ARF ARF.”
(ROMMEL GONZALES)
-
New York at Massachusetts tatanggalin na ang mandatory na pagsusuot ng mga face mask
INANUNSIYO ng gobernador ng New York at Massachusetts na kanila ng tatanggalin ang pagsusuot ng face mask. Sinabi ni New York Gov. Kathy Hochul na maari lamang tanggalin ang pagsusuot ng face mask kapag ang indibidwal ay naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19. Bumaba na rin aniya ang kaso ng […]
-
Arrest order ng China simula na ngayon
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy lamang sila sa kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng China na sisimulan na ngayon ang paghuli sa mga “trespassers” sa South China Sea at ilang lugar sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, tuluy-tuloy […]
-
TRUMP PINAPANAGOT ANG CHINA SA COVID-19
SUMIKLAB muli ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at China sa ginanap na UN General Assembly sa New York. Ito’y matapos diretsahang sisihin ni US President Donald Trump ang China sa pagkalat ng coronavirus. Giit ni Trump, dapat panagutin ang China sa pandemya.“We must hold accountable the nation which unleashed this plague on […]