• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi pa man natatapos ang kanilang serye: BARBIE at DAVID, may hinahanda ng ‘special project’ para sa kanilang fans

BARBIE Forteza and David Licauco are undeniably #bookedandblessed!

 

 

Ito ang post sa Instagram ng Sparkle Artist Center na pinahuhulaan nila sa mga netizens ang pwedeng bago raw project na gagawin ng breakout love team.

 

 

Sa post ay nakitang magkasama sina Barbie at David sa isang aircraft.  “David and Barbie are cooking something and heading somewhere for a special project,” caption pa rin ng Sparkle.

 

 

Kaya hindi naman kataka-taka na magdiwang ang BarDA fans at i-express ang kanilang excitement kung ano ang tinutukoy na special project.

 

 

Lalo silang na-excite last Monday, October 9, nang mag-post sina Barbie at David ng ilang shots taken in Hong Kong, with Barbie posing sa Harbour City at si David, posing from a popular promenade in Hong Kong na nagpapakita ng city’s famous skyline.

 

 

Wait na lamang tayo kung ano ang bagong sorpresa nila.

 

 

Meanwhile, last three weeks na lang ang special limited series na “Maging Sino Ka Man” na pareho nang umamin sina Monique (Barbie) at Carding (David) ng tunay nilang feelings sa isa’t isa.

 

 

Lalo na at ipinakilala na ni Monique ang tunay niyang pagkatao, kina Carding at sa mga alaga nilang bata.

 

 

Papasok din ang isa pang mahusay na actress na si Ms. Alice Dixson bilang si Madam Claudette, na makakatulong nila para malabanan ang grupong  naghahanap sa kanila, mga goons na gusto silang patayin.

 

 

Napapanood ito tuwing 8 p.m., pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MARAMI na tayong mga celebrities na naging reservist ng Philippine Navy at isa na rito si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

 

Isa siya sa naimbitahang maging speaker para sa 28 students ng kanilang media specialization course.

 

 

Caption ni Dingdong sa kanyang Instagram post: “Grateful to have shared my passion as an actor, director, producer, and reservist with 28 talented students from the media specialization course of the Philippine Navy on my service day yesterday (October 14).

 

 

“We explored the art of storytelling and the vital role of directors in shaping our nation’s narrative,” @philippine_navy 2 @cmog.pn or Civil Military Operations Group-Philippine Navy.

 

 

Siyempre pa, nagpakita ng pagiging proud kay Dingdong ang misis niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na pinasalamatan agad ng aktor.

 

 

Sinundan din ito ng pagbati ng mga Kapuso stars like Rocco Nacino, Andrew Gan at ni Direk Rico Gutierrez.

 

 

Isa lamang ito among the projects na ginagawa ngayon ni Dingdong.  Nagho-host siya ng “Family Feud,” at “The Voice Generations”. Kasabay ang shooting ng “Firefly” at “Rewind” na parehong pasok sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December.

 

 

***

 

NAG-TRENDING at naging usap-usapan sa X (dating Twitter) Philippines ang pilot episode ng bagong noontime show sa Kapamilya Channel, GTV, na “It’s Your Lucky Day” last Saturday, October 14.

 

 

Ang show ang pansamantalang pumalit sa “It’s Showtime” na tatagal lamang for 12 days sa ere, pagtupad sa suspension order ng MTRCB.

 

 

Pinangunahan ni Luis Manzano ang mga hosts ng show na nagbiro ng: “It’s Your Lucky Day” will be making a history in the television industry”

 

 

“First time sa lahat ng shows ng ABS-CBN, kahit sa buong industriya, hindi pa tayo natatapos ng unang episode, maia-announce na natin ang huling dalawang linggo.”

 

 

Pinuri ng mga netizens  ang pagkakaroon ng sense of humor ni Luis, na bagay na bagay daw sa noontime show.  May balita, na malamang maging isa ring regular show ng ABS-CBN ang “It’s Your Lucky Day” dahil nagustuhan ito ng mga viewers.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • 22-K bilanggo pinalaya – Año

    Humigit kumulang 22,000 detainees ang pinalaya sa hangad na luwagan ang mga overcrowded nang bilangguan sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sa isang statement, sinabi ni DILG chief Eduardo Año na 21,850 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa loob ng 470 kulungan na hawak […]

  • Handa na ang detention center na tutuluyan ni Pastor Apollo Quiboloy sa House of Representative

    IPINAKITA sa media ni House Secretary General Reginald Velasco ang detention center sa Kamara kung saan ‘ikinukulong’ ang mga personalidad na na-cite for contempt. Dito aniya, idedetine si Quiboloy sa sandaling maaresto ito.     Una nang nagbotohan ang House committee on legislative franchises para i-cite for contempt si Quiboloy matapos na hindi dumalo sa […]

  • Hindi dapat maging bastos at walang galang dahil lamang sa usapin ng pinagtatalunang WPS

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi dapat maging bastos at walang galang ang mga Filipino dahil lamang sa ‘overlapping claims’ ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos magpalabas ng matatapang na salita ang kanyang mag alter ego na sina Foreign Affairs […]