• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi pa rin interesado na tumakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022

“I am still not interested.”

 

ito ang naging pahayag ni Senador Bong Go matapos tanggapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-endorso sa kanya ng ruling party PDP-Laban na tumakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022.

 

Sa isang video message, sinabi ni Go na nakatutok siya sa kanyang tungkulin bilang senador upang tulungan ang bansa na malampasan ang krisis na hinaharap ng lahat.

 

“Bakuna muna bago ang politika,” diing pahayag ni Go.

 

Ang pakiusap pa ni Go ay mas mabuti aniya na unahin muna ang mga interesado na tumakbong Pangulo kaysa sa kanya.

 

Matatandaang, sinabi ni Go na “makapagbabago lang ng aking desisyon na tumakbo bilang Presidente ay kung si Tatay Digong ang aking magi­ging Bise Presidente.”

 

Sinabi ni Go na nais niyang si Pangulong Duterte ang kanyang maging ka-tandem sa pampanguluhang halalan hanggang sa pagsisilbi sa bayan dahil naniniwala siyang ito ang magiging “continuity” ng pamamahala sa pamahalaan.

 

Ganito rin ang naging pahayag ng Pangulo na nagsabing tatakbo lamang siya sa pagkabise-presidente kung ang magiging pangulo niya ay isang kapartido at makakasundo sa pagpapatakbo sa gobyerno.

 

Ginawa ni Go ang pahayag matapos inomina ng national executive council ng PDP-Laban ang tambalan nina Sen. Go at President Duterte para isabak sa darating na halalan. (Daris Jose)

Other News
  • Hirit ng netizens, makatagpo na sana ng kanyang ‘Captain Ri’: KC, nagpunta rin sa famous location ng ‘Crash Landing On You’ sa Switzerland

    ANG sarap talagang ulit-ulitin ang short video sa IG post ni KC Concepcion na kung saan makikita ang mga magagandang lugar na kanyang pinuntahan.   Say ni KC, “Alam ko mahilig ang mga Pinoy sa malamig na lugar pag nagtatravel pero gandang ganda ako sa Europe pag summer ☀️ Lumalabas lahat ng color~ feel na […]

  • P340K droga nasabat sa 2 HVI sa Valenzuela drug bust

    MAHIGIT P.3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng umaga.         Sa ulat ni PMSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, ikinasa […]

  • ‘Venom: Let There be Carnage’, Getting Delayed Once Again To a 2022 Release Date

    Venom: Let There be Carnage has reportedly been delayed to a 2022 release date.     The sequel to 2018’s Venom, which was a huge success at the box office despite poor reviews, Let There Be Carnage will see Tom Hardy return as the symbiote-afflicted Eddie Brock, this time facing off against Woody Harrelson’s Cletus Kasady/Carnage. Venom 2 also stars Michelle Williams, Naomie Harris, Reid […]