Hindi pa rin lusot ang mga board members dahil magkakaroon ng hiwalay na asunto laban sa mga ito
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN na ng House Committees on Public Accounts at Good Government and Public Accountability ang committee report ng ginawang imbestigasyon patungkol sa isyu ng graft and corruption sa PhilHealth.
Ayon kay Public Accounts Chairman Mike Defensor, aprubado na ang committee report “subject to amendments” dahil ipapasok pa ang mga irerekomendang panukala ng mga mambabatas para sa pagsasaayos ng sistema ng PhilHealth.
Kasama sa mga rekomendasyon ay ang pagsasampa ng kasong kriminal kina Health Secretary Francisco Duque III at dating PhilHealth President Ricardo Morales dahil sa iligal na pagre-release ng pondo sa sinuspindeng Interim Reimbursement Mechanism (IRM).
Kasama rin sa mga pinakakasuhan sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Social Welfare Secretary Rolando Bautista, Budget Secretary Wendel Avisado, Finance Secretary Carlos Dominguez III dahil ang mga ito ay miyembro ng PhilHealth board.
Bago ang nangyaring pag-apruba sa committee report ay nagkaroon muna ng botohan sa omnibus motion ni Good Government and Public Accountability Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado kung saan inaabsuwelto ang PhilHealth Board members sa lahat ng mga kasong isinampa ng mga komite laban sa PhilHealth.
Kabilang dito ang pag-absuwelto sa mga miyembro ng PhilHealth board sa implementasyon ng All Case Rate System.
Ang mga kasapi naman ng executive committee na pangunahing in-charge sa pagpapatupad ng all case rate system ang siyang makakasuhan.
Sinabi naman ni Defensor na hindi pa rin naman lusot ang mga board members dahil magkakaroon naman ng hiwalay na asunto laban sa mga ito.
Magkagayunman, ibinasura ng panel ang mosyon kasabay ng pag-apruba sa committee report na isasalang pa sa amendment. (Ara Romero)
-
Ninang na si Ana, nagregalo ng white piano: Anak nina DINGDONG at MARIAN na si ZIA, posibleng maging classical singer
NAGKAROON ng bonggang launching ang Vivamax para sa napakarami nilang naka-lineup na bagong movies and series for streaming simula ngayong summer. Napaka-successful naman kasi ng Vivamax dahil simula lang nang ilunsad ito nitong pandemic, it became the number 1 local streaming platform with 3 million subscribers at parami pa nang parami. […]
-
Ads October 1, 2022
-
DepEd, nagbabala vs pekeng ‘pang-baon’ posts
BINALAAN ng Department of Education (DepEd) ang publiko hinggil sa mga post sa social media na namimigay umano ang ahensiya ng ‘pang-baon’ sa mga elementary students. Sa misinformation alert ng DepEd, mahigpit din nitong pinayuhan ang mga magulang at mga guardians na huwag ibigay ang school information at identification ng kanilang mga […]