Hindi pa rin lusot ang mga board members dahil magkakaroon ng hiwalay na asunto laban sa mga ito
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN na ng House Committees on Public Accounts at Good Government and Public Accountability ang committee report ng ginawang imbestigasyon patungkol sa isyu ng graft and corruption sa PhilHealth.
Ayon kay Public Accounts Chairman Mike Defensor, aprubado na ang committee report “subject to amendments” dahil ipapasok pa ang mga irerekomendang panukala ng mga mambabatas para sa pagsasaayos ng sistema ng PhilHealth.
Kasama sa mga rekomendasyon ay ang pagsasampa ng kasong kriminal kina Health Secretary Francisco Duque III at dating PhilHealth President Ricardo Morales dahil sa iligal na pagre-release ng pondo sa sinuspindeng Interim Reimbursement Mechanism (IRM).
Kasama rin sa mga pinakakasuhan sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Social Welfare Secretary Rolando Bautista, Budget Secretary Wendel Avisado, Finance Secretary Carlos Dominguez III dahil ang mga ito ay miyembro ng PhilHealth board.
Bago ang nangyaring pag-apruba sa committee report ay nagkaroon muna ng botohan sa omnibus motion ni Good Government and Public Accountability Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado kung saan inaabsuwelto ang PhilHealth Board members sa lahat ng mga kasong isinampa ng mga komite laban sa PhilHealth.
Kabilang dito ang pag-absuwelto sa mga miyembro ng PhilHealth board sa implementasyon ng All Case Rate System.
Ang mga kasapi naman ng executive committee na pangunahing in-charge sa pagpapatupad ng all case rate system ang siyang makakasuhan.
Sinabi naman ni Defensor na hindi pa rin naman lusot ang mga board members dahil magkakaroon naman ng hiwalay na asunto laban sa mga ito.
Magkagayunman, ibinasura ng panel ang mosyon kasabay ng pag-apruba sa committee report na isasalang pa sa amendment. (Ara Romero)
-
Mga ospital sa Metro Manila, humirit pa ng bakuna
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna, humihingi na rin ang mga empleyado ng East Avenue Medical Center sa Quezon City ng karagdagang Sinovac vaccine. Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, Spokesperson ng naturang ospital, mas dumami na ang mga health workers ang nais ngayon magpabakuna makalipas ang tatlong araw na vaccine […]
-
Ads June 13, 2022
-
Truck ban sa MM muling binalik; NLEX tumaas ang toll fees
Ang truck ban sa Metro Manila ay muling binalik simula noong nakarang May 17 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos sumailalim ang rehiyon sa mas di mahigpit na community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan. Sa isang pahayag ng MMDA na nakalagay sa kanilang Facebook page, sinabi ng MMDA na ang mga […]