Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa: RABIYA, hahanaping muli ang kanyang ama sa Amerika
- Published on June 15, 2023
- by @peoplesbalita
HAHANAPING muli ni Rabiya Mateo ang kanyang ama sa Amerika.
Balak ng beauty queen/actress na lumipad patungong Amerika sa kaarawan niya sa Nobyembre para hanapin ang kanyang ama na lumisan noong limang taon pa lamang si Rabiya.
“I tried to look for him, even yung mga kasing-last name niya na taga-Chicago mine-message ko pero sad ending talaga palagi. Like they don’t know my dad.
“Ang alam ko nasa US po siya, last state niya was Chicago.”
Noong nasa Amerika si Rabiya para sa Miss Universe 2020 na ginanap sa Hollywood, Florida na ginanap noong May 16, 2021 sinubukan na ni Rabiya na hanapin ang kanyang ama.
“Pero during that time, iba yung priority, like meet and greet, compete, yung mindset nasa competition dapat, I have to win.”
“And nung kailangan ko ng umuwi wala namang tsansa na kasi wala ng oras.
“So siguro ngayon na I have the resources na gusto kong maglaan po sana ng at least one month to be there and to look for him.
“Kung papayagan ng schedule, I was… pinag-usapan namin ni Jeric [Gonzales, boyfriend ni Rabiya], probably mga, during my birthday, November, kung papayagan ng management, gusto kong pumunta sa USA.”
Hindi raw siya nawawalan ng pag-asa na muling makita at makausap ang kanyang ama.
“Kasi in my heart I can feel na I’m gonna see him.”
Ang biological father ni Rabiya ay isang Indian-American national na nagngangalang Mohammed Abdullah Syed Moqueet Hashmi.
Samantala, gaganap si Rabiya bilang si Tasha sa ‘Royal Blood’ ng GMA.
Sa direksyon ni Dominic Zapata, ang Royal Blood ay pinagbibidahan ni Dingdong Dantes bilang si Napoy kasama sina Megan Young (bilang Diana), Mikael Daez (bilang Kristoff), Dion Ignacio (bilang Andrew), Lianne Valentin (bilang Beatrice), at si Rhian Ramos (bilang Margaret); may mahalagang papel naman sa serye si Tirso Cruz III bilang si Gustavo Royales.
Nasa cast rin ng Royal Blood sina Ces Quesada (bilang Aling Cleofe), Benjie Paras (bilang Otep), Carmen Soriano (bilang Camilla), at Arthur Solinap (bilang Emil).
Kasama rin sa serye ang Sparkle Teens na sina James Graham (bilang Louie), Aidan Veneracion (bilang Archie), Princess Aliyah (bilang Anne) at ang child actress na si Sienna Stevens (bilang Lizzie).
Mapapanood ang Royal Blood simula June 19 weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV.
***
AMINADO ang Nailandia owner na si Noreen Divina na nakilala nang husto ang kanilang nail salon at foot spa chain mula noong naging endorser nila si Marian Rivera simula noong taong 2014.
“Napakabait ni Marian,” bulalas pa ni Noreen.
Ano ang napansin niya agad sa una nilang pagkikita at pagkakakilala ni Marian?
“Ay napakabait! To think na nandun na siya sa stature na Marian Rivera, di ba? Napakabait.
“Parang, ‘Totoo ba ‘to? Artista ba ‘to? Superstar ba ‘to?
“Parang ganun. Ambait-bait niya, napaka-down-to-earth.
“At napakaganda!
“At nung na-meet ko siya may show siya sa GMA, yung Marian, ay naku, naka-tank top, dyusko gany’an lang yung waist, napakaliit, grabe!”
Host si Marian noong 2014 ng kanyang sariling musical variety show sa GMA na may titulong ‘Marian’.
Masaya si Noreen na tumagal ng siyam na taon ang samahan nila ni Marian, hindi lamang bilang negosyante at endorser, kundi bilang magkaibigan.
“Actually yung relationship namin ni Marian, hindi na more on business.”
Ilang beses na raw niyang napatunayan ang kabaitan at pagiging totoong tao ni Marian, lalo na nitong panahon ng pandemya.
Pinagkukuwento namin si Noreen tungkol dito pero mas minabuti na lang niyang isekreto kung ano ang tinutukoy niya.
“Basta ang masasabi ko, hindi na lang business ang relationship namin ni Marian, friendship na.
“Our business relationship has transcended into a strong and deep friendship,” ang nakangiting wika pa ni Noreen.
Co-owner ni Noreen sa Nailandia ang mister niyang si Juncynth Divina.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Ads May 6, 2021
-
Ads October 8, 2022
-
NAVOTAS LUMAGDA SA MOU PARA SA MAKABATA HELPLINE
PUMASOK sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) para sa pagpapatupad ng Makabata Helpline 1383 sa lungsod. Nilagdaan ni Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of understanding kasama si CWC undersecretary Angelo M. Tapales. Sa ilalim ng MOU, gagawin ng lungsod […]