Hindi rin natuloy si PIOLO sa ‘366’ dahil sa schedule: LIZA, first choice ni BELA nagka-problema lang dahil sa pandemya
- Published on March 1, 2022
- by @peoplesbalita
SI Liza Soberano pala ang first choice ni Bela Padilla sa kanyang directorial debut na 366 na mapapanood through streaming sa Vivamax.
Ayon sa naging pahayag ni Bela, “The film, 366, wasn’t meant for me. I didn’t want to act in it because I was told I was going to direct it, so I wanted another actress to be in it.”
Bukod dito, ibinulgar din ng aktres na, “I required Liza Soberano for this. I even came to a point where I asked for her schedule already. She was doing a TV show at that time. I think it was Make It With You.”
Pero dahil nga sa pandemya, nagkaroon ng mga pagbabago.
“When the pandemic started, a lot of actors didn’t want to work,” sabi niya.
“Mahirap naman na biglang sasabak sa bubble, sa shooting life. Hindi ko pinilit ang original vision ko for this film.”
Kaya nagdesisyon na siya na lang ang gumanap sa bidang babae, na mas mahirap sa part niya dahil siya rin nga ang direktor.
Say pa ni Bela, “I wouldn’t say better, but it’s definitely different. I am older than Liza. I guess my interpretation of grief and love are different. Liza and I are in different stages in our lives.
“I gave a different interpretation and performance than she would have given. I still love to work with her, though. Maybe one day, that will still happen,” dagdag pa niya.
Nagkaroon pa siya ng major revisions sa script, dapat sana sa Budapest, Hungary ang shooting, pero nag-close ang borders kaya lumipat sila sa Turkey.
Kinausap na rin niya si Piolo Pascual para makapareha ni Liza. Nabasa na ng aktor ang script at nagka-interes ito sa role. Hanggang siya na ang gaganap na bida at hindi na si Liza. Pero dahil sa schedule nagkaproblema rin si Papa Pi, kaya ‘di na rin natuloy sa kanyang directorial debut.
Hindi nga nga pinilit ni Bela ang original vision niya para sa 366, at nang sinabi nina Boss Vic at Boss Vincent del Rosario na siya na rin ang gumawa ng project, hindi na siya nagdalawang-isip pa at nag-yes na lang sa producers ng Viva Films.
At dahil nga nagbago ang plano si Zanjoe Marudo ang kinuhang ka-partner at muli silang magkakasama ni JC Santos na kinakiligan naman ng netizens, na kung saan napapanood na ang official trailer nito sa facebook at youtube account ng Viva Films at Vivamax, streaming na ito sa April 22.
Nasa London ngayon si Bela matapos magdesisyong doon muna manirahan, at makikita nga ang pagsi-share sa kanyang IG post ang photos and videos sa iba’t ibang bahagi ng Europe. Wala pang balita kung kailan siya babalik at gagawa ng bagong pelikula.
(ROHN ROMULO)
-
Expansion ng number coding scheme sa NCR, hindi na kailangan pa – MMDA
HINDI NA nakikita pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kinakailangan pang paliwigin ang number coding scheme sa mga lugaw na nasa ilalim ng Alert Level 1, lalo na sa National Capital Region. Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kakaunti lamang ang kanilang naitalang mga sasakyang bumabaybay sa EDSA sa unang araw […]
-
Alamin ang pananaw sa pag-ibig at buhay ni #SuperAte… Sen. IMEE, ipinagdiwang ang pinaka-makahulugang kaarawan
IPINAGDIWANG ni Senadora Imee Marcos ang kanyang kaarawan nuong Nob. 12 sa Timog na bahagi ng bansa. Na kung saan bitbit niya ang pagkakaibigan at mabuting pakikitungo ng Norte, sa isang okasyon na puno ng pasasalamat. Sa bagong vlog na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel sa Nob. 18 (Biyernes), matutunghayan ng kanyang […]
-
Walang taas pasahe at pagkawala ng kabuyan dahil sa consolidation
ITO ang nilinaw ng pamahalaan na kahit na kalahati lamang ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila ang nag consolidate ay hindi mangyayari ang pagtataas ng pamasahe at hindi mawawalan ng kabuhayan ang mga drivers at operators matapos ang binigay na deadline noong Dec. 31, 2023. Sa National Capital Region […]