Hintayin ang desisyon ng gobyerno kung holiday o hindi ang 3-day vaccination drive
- Published on November 13, 2021
- by @peoplesbalita
NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko na hintayin ang magiging desisyon ng gobyerno kung idedeklarang holiday o hindi ang 3-day COVID-19 vaccination drive bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
Target kasi ng pamahalaan na bakunahan ang 15 milyong Filipino sa panahon ng Nobyembre 29 hanggang Dec. 1 o 3-day COVID-19 vaccination campaign.
At sa tanong kung ang mga petsang ito ay holidays, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na, “Inaasikaso po kung anong magiging desisyon ng Office of the President tungkol d’yan.”
“Hintayin na lang po natin ang anunsyo galing sa Palasyo,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Tinukoy ni Sec. Roque na Bonifacio Day sa Nobyembre 30 na isang regular holiday. (Daris Jose)
-
Kumakalat na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa “total lockdown”, pinalagan ng Malakanyang
PINALAGAN ng Malakanyang ang kumakalat sa social media na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa ‘total lockdown’. “We have come across an audio clip that has been shared via personal messages and social media, in which a male speaker warns the public to stock up on essential supplies as the government […]
-
Mga bansang magbibigay ng securities para sa FIFA World Cup dumating na sa Qatar
DUMATING na sa Qatar ang ilang mga sundalo mula sa ibang bansa na para magbigay ng seguridad sa FIFA World Cup na gaganapin sa huling linggo ng Nobyembre hanggang Disyembre. Mayroong 13 bansa kasi ang nangako na magpapadala sila ng mga sundalo sa Qatar para tumulong sa pagbibigay ng seguridad. Nitong nakaraang mga linggo lamang […]
-
Malabon, binahagi sa Germany conference ang mga estratehiya ng LGU para mapabuti ang paghahatid ng serbisyo
SI MALABON City Administrator Dr. Alexander Rosete na nagsilbi bilang speaker sa Executive Program in International Relations and Good Governance: Constructing World conference at Karlshochschule International University sa Karlsruhe, Germany ay ibinahagi sa mga lider ng industriya ang mga estratehiya ng Pamahalaang Lungsod kung paano mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga residente tungo […]