• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hiring ng mga aplikanteng bakunado laban sa COVID-19, hindi diskriminasyon-Galvez

“Public interest is higher than personal interest,”

 

 

Ito ang naging pahayag ni vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa nagsasabing isang malinaw na diskriminasyon ang pagtanggi ng mga kumpanya sa mga aplikante na hindi pa bakunado laban sa Covid- 19.

 

 

Ipinanukala kasi  ng pribadong sektor sa Inter-Agency Task Force Against Emerging Infectious Diseases na bigyan ng insentibo ang mga bakunadong indibidwal.

 

 

Kabilang na rito ang bigyan ang mga kumpanya ng karapatan na mag- hire lamang ng mga bakunadong aplikante.

 

 

Ang mga empleyado na hindi pa bakunado ay iminumungkahi na sumailalim sa antigen test o RT-PCR test  linggo-linggo na sarili nilang gastos.

 

 

“It is the prerogative of companies to hire, train, promote and fire employees,” ayon kay Galvez.

 

 

At sa tanong kung diskriminasyon ba ito sa mga hindi pa bakunado ay sinabi ni Galvez na “It is not discrimination but the moral and corporate responsibility of the company to protect its people, clients, consumers and business interest.”

 

 

“The principle of recruitment is to get the best among the qualified. The company has the right to choose and reject applications. Why will you choose [someone] that will become a threat to your existence?” dagdag na pahayag nito.

 

 

“In the next round of battle, the next round of surge will be the battle of the unvaccinated which will become the state’s liability and weakness in our fight against COVID-19,” aniya pa.

 

 

“They are the burden that we have to carry on this long battle,” ani Galvez.

 

 

Ani pa ni Galvez, ang mga kumpanya ay may prerogative na mag-hire o mag- reject ng aplikante para sa “ promotion of public safety and common good.”

 

 

“Why hire people who do not accept moral responsibility with the company?” ani Galvez sabay sabing “Private sector has its own rules.  I have been in the recruitment for five years, good moral character and obedience are one of our mandatory requirements. If the applicant does not follow rules, he or she will be automatically disqualified.”

 

 

Itinanggi naman ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion ang ulat na nagpapatupad ng  “no vaccine, no salary policy ang pribadong sektor. (Daris Jose)

Other News
  • Inaabangang national costume ni RABIYA nairampa na, #AribaRabiya agad na nag-trending

    NAIRAMPA na ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang inaabangan na national costume niya para sa 2020 Miss Universe National Costume Show.     Parang mala-Victoria’s Secret Angel si Rabiya na effortless na nirampa ang mabigat na costume na inspired ng Philippine flag: blue color representing royalty, red for the courage and strength of an […]

  • MILK DONATIONS BAWAL SA EVACUATION CENTERS

    IPAGBABAWAL na ang gatas bilang donasyon sa mga evacuation centers .   Ito ang sinabi  ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa kanyang virtual media forum . Sinabi ni Vergeire, na bawal ang pamamahagi o pagtanggap ng milk donations, commercial baby food at bottles para sa mga bata na nasa edad 2 taong gulang pababa. […]

  • EJ Obiena muli na namang nakasungkit ng gold medal sa Germany

    PATULOY sa kanyang pamamayagpag sa Europa ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena matapos makasungkit na naman ng panibagong gold medal sa kanyang nilahukan na 2022 True Athletes Classic in Leverkusen, Germany.     Ito ay makaraang makuha ni Obiena ang 5.81 meters upang talunin ang mga karibal na atleta mula sa Netherlands na si […]