Hirit na re-alignment ng P389-M fund sa Manila Bay rehab, malabo na – Palasyo
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
BINIGYANG-diin ng Malacañang na huli na para i-realign ang P389 million pondo sa Manila Bay rehabilitation project.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasimulan na ang proyekto kaya kinakailangan na tapusin na ito at malabo ng i- divert pa ang nakalaang pondo.
Una ng binabatikos ang Department of Environment and natural Resources (DENR) sa paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay dahil sa may kinakaharap pa na COVID-19 pandemic ang bansa.
“Nasimulan na po ‘yan, eh so kinakailangan tapusin na po ‘yan. Ang mga nare-realign eh yung mga hindi pa po nagsisimulang mga proyekto. Yung budget po kasi diyan, hindi lang kasi siya budget, actually, for the beach nourishment. It’s actually for the entire program of government in rehabilitating Manila Bay,” ani Sec. Roque.
Inihayag pa ni Sec. Roque na dalawang taon nang ipinapanukala ng DENR na pondohan ang pagpapaganda sa Manila Bay.
“As I said, itong project na ito was proposed two years ago, included in last year’s budget and only being implemented now.”
-
Kamara magsasagawa ng imbestigasyon sa alegasyon ng Duterte-China agreement sa WPS
INIHAYAG ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na aaksyunan ng Kamara ang kahilingan ni Assistant Majority Leader Jay Khonghun na imbestigahan ang alegasyon na nagkaroon ng gentleman’s agreement sa pagitan nina dating Presidente Rodrigo Roa Duterte at Tsina kaugnay sa West Philippine Sea. Ayon kay Dalipe, chairman ng House Committee on Rules, […]
-
PSC, Bangsamoro Sports PARES
NAKIPAGPULONG ang delegasyon ng Bangsamoro Sports Commission (BSC) sa Philippine Sports Commission (PSC) Board nitong Lunes, Pebrero 27, para sa grassroots program ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Pinamunuan ni Chairperson Arsalan Dimaoden ang BSC na nagharap ng 12-point agenda sa PSC na kinabibilangan ng mahigpit na kooperasyon sa pagpapaunlad ng mga […]
-
PASOK na sa semi-final round ng Frenh Open tennis si Spanish tennis star Rafael Nadal
PASOK na sa semi-final round ng Frenh Open tennis si Spanish tennis star Rafael Nadal matapos malusutan ang tinaguriang long-time rival nito na si Novak Djokovic sa quarterfinals. Naging matindi ang harapan dalawa kung saan hindi nakaporma ang Serbian tennis star sa score na 2-6, 6-4, 2-6, 6(4)- 7(7). Sa unang […]