• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hirit na re-alignment ng P389-M fund sa Manila Bay rehab, malabo na – Palasyo

BINIGYANG-diin ng Malacañang na huli na para i-realign ang P389 million pondo sa Manila Bay rehabilitation project.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasimulan na ang proyekto kaya kinakailangan na tapusin na ito at malabo ng i- divert pa ang nakalaang pondo.

 

Una ng binabatikos ang Department of Environment and natural Resources (DENR) sa paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay dahil sa may kinakaharap pa na COVID-19 pandemic ang bansa.

 

“Nasimulan na po ‘yan, eh so kinakailangan tapusin na po ‘yan. Ang mga nare-realign eh yung mga hindi pa po nagsisimulang mga proyekto. Yung budget po kasi diyan, hindi lang kasi siya budget, actually, for the beach nourishment. It’s actually for the entire program of government in rehabilitating Manila Bay,” ani Sec. Roque.

 

Inihayag pa ni Sec. Roque na dalawang taon nang ipinapanukala ng DENR na pondohan ang pagpapaganda sa Manila Bay.

 

“As I said, itong project na ito was proposed two years ago, included in last year’s budget and only being implemented now.”

Other News
  • Tokyo Olympics organizers, tiniyak na hindi na maantala pa ang torneo

    Ipinakita ang Tokyo Olympic organizers na wala ng dahilan para muli pa nilang kanselahin ang nasabing torneo sa susunod na taon.   Isa aniya sa pagpapatunay ng kanilang kahandaan ay ang pagbabalik sa Tokyo Bay ng The Olympic rings monument.   May taas ito na 15.3 meters at lapad na 32.6 metro na unang inilagay […]

  • Mayor Tiangco positibo sa Covid-19

    000MALUNGKOT na ibinalita ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na positibo siya sa COVId-19 base sa kanyang RT-PCR test.     Humihingi ng paumanhin ang alkalde sa lahat ng kanyang nakaharap noong nakaraang mga araw at nakikiusap na obserbahan nang mabuti ang kanilang kalusugan.     Payo pa niya sa kanyang mga nakasalamuha, kung meron […]

  • 41 NA BANSA NASA GREEN LIST, 8 NANANATILI SA RED LIST

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na magpapatupad  sila ng pinakabagong polisiya sa bansa hinggil sa green, yellow at red lists.     Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, 41 na bansa ang nakasama na sa green list na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.     Ang mga […]