• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hirit ng grupo ng provincial bus, pinag-uusapan na ng IATF- Nograles

PINAG-UUSAPAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) at mga piling ahensiya ng pamahalaan ang apela ng grupo ng provincial bus sa gobyerno na full operation sa Kapaskuhan.

 

“Kumbaga, mag-uusap about the concern at issues po tungkol diyan. And sa lalong madaling panahon, hopefully, we’ll be able to come up with the program soon,” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Sa ulat, hiniling ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Inc. (NSNPBPI) na gawing full operation ang mga biyahe ngayong kapaskuhan.

 

Sinabi ni NSNPBPI Executive Director Alex Yague na nasa 70% to 80% na ang nawawalan ng trabaho sa kanilang hanay.

 

Apela ng grupo sa gobyerno na magbukas ng ibang ruta at pumayag sa muling pagbubukas ng kanilang terminal. (Daris Jose)

Other News
  • SSS, GSIS inanunsiyo pagpapalabas ng 13th month, holiday pensions

    TATANGGAP na ng kanilang 13th month at December pension ang lahat ng pensioners ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) sa unang linggo ng December 2022.       Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino ang pension fund na ipalalabas ay may halagang P29.74 billion para […]

  • Pagdating sa bansa nang mahigit 3M doses ng Moderna Covid-19 vaccines, pinangunahan ni Pangulong Duterte

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsalubong sa pagdating nang mahigit sa 3 milyong doses ng Moderna Covid-19 vaccines na dinonate ng gobyerno ng Estados Unidos sa Villamor Air Base,Pasay City.   Sa maikling mensahe ng Pangulo ay pinasalamatan nito ang Amerika dahil sa kabutihang-loob na ibahagi ang Covid-19 assistance sa Pilipinas.   “I […]

  • World number 1 Ashleigh Barty umatras na sa French Open dahil sa injury

    Napilitang tumigil sa paglalaro sa French Open si world number 1 Ashleigh Barty matapos na ito ay ma-injured.     Naramdaman na lamang nito ang kaniyang injury sa second round na laban niya kay Magda Linette kung saan natalo na siya sa unang set 6-1.     Matapos ang medical timeout ay tuluyan na itong […]