• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hirit ng transport groups, pinagpupulungan na- Roque

KASALUKUYAN nang pinagpupulungan ng pamahalaan ang panawagan ng transport groups na pagsuspinde sa excise tax, vat sa fuel products kasunod ng 8 sunud-sunod na linggo ng oil price hike?

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “as we speak po, pinagpupulungan na itong bagay na ito noh? Kinukunsidera po ang parehong proposals. So, government is heeding and we are evaluating po.”

 

Ang banta naman ng transport groups, hindi sila magsasawang magsagawa ng kilos-protesta para mapakinggan ang kanilang demands at nangakong ipagpapatuloy ang protesta kapag hindi napigil ang pagsirit ng presyo ng langis.

 

Sa ulat, may oil price hike na dapat asahan, bukas, Oktubre 26, ayon sa mga taga-industriya, ang ika-9 na sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

 

Pero hindi na ito kasinglaki ng taas-presyo noong nakaraang linggo.

 

Taas-presyo sa petrolyo

Gasolina P1.10-P1.50/L

Diesel P0.30-P0.40/L

Kerosene P0.50-P0.60/L

 

Batay sa tantiya ng mga taga-industriya, P0.30 hanggang P0.40 ang taas-presyo sa diesel, at P0.50 hanggang P0.60 ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

 

Maglalaro naman sa P1.10 hanggang P1.50 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina.

 

Ayon sa mga taga-industriya, humupa na ang presyo ng langis sa world market noong Martes hanggang Huwebes pero muling umakyat noong Huwebes.

 

Bumaba na anila ang presyo nang ilang araw kasunod nang lumabas na forecast na hindi ganoon katindi ang magiging taglamig.

 

Tumataas kasi ang demand tuwing winter dahil sa heating fuel.

 

Pero sa pangkalahatan, pataas pa rin ang direksyon ng presyo ng langis dahil sa kakulangan ng suplay.

 

Nasa halos P20 kada litro na ang iminahal ng gasolina mula Enero, P18 naman sa diesel at mahigit P15 sa kerosene. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30 sa kaibigan na si Putin: Huwag idamay ang mga sibilyan

    HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang “kaibigan” na si Russian President Vladimir Putin na magsagawa ng pag-iingat na huwag madamay ang mga sibilyan sa kanilang pag-atake.     Ito’y sa gitna ng alalahanin ukol sa tumataas ng bilang ng mga namamatay na sibilyan dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.   […]

  • San Miguel Beer liyamado sa 46th PBA Philippine Cup 2021 – Cone

    SINIWALAT kamakalawa ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone na tuloy na ang pagbabalik-laro para sa Barangay Ginebra San Miguel ni Gregory William ‘Greg’ Slaughter sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup.     Gayunman, hinirit ng BGSM coach, na ang San Miguel Beer ang patok sa pagbabalik mula sa injuries nina six-time MVP June […]

  • Sa pagkakaalis ng video ng gender reveal: YASMIEN, nagulat sa rason na bullying and harassment

    HINDI namin masisisi si Yasmien Kurdi kung magkahalong gulat at pagkainis ang naramdaman niya sa pagkakaalis sa Facebook at Instagram ng video ng kanilang gender reveal.     Ang rason umano? Bullying and harassment! Kaloka, di ba?     Kaya naman inilahad ni Yasmien sa kanyang Facebook page ang kanyang saloobin tungkol dito kalakip ang […]