HIRIT NI CAYETANO NA MAGBITIW SA PUWESTO, TINANGGIHAN NG MGA KONGRESISTA
- Published on October 2, 2020
- by @peoplesbalita
TINANGGIHAN ng mga kongresista ang hiling ni Speaker Alan Peter Cayetano na magbitiw bilang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Sa botohang naganap, 184 kongresista ang nagsabing tutol sila sa pagbibitiw ni Cayetano bilang Speaker ng Kamara, 1 naman ang pumabor at 1 abstention.
Sa kanyang privilege speech sinabi ni Cayetano na hindi siya indispensable bilang pinuno ng Kamara kaya magbibitiw na lamang siya sa puwesto.
Ginawa ito ni Cayetano isang araw matapos na sabihan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na galangin ang term-sharing agreement nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Cayetano na iginigiit ni Velasco na handa na ito na maupo bilang lider ng Kamara kaya panahon na rin marahil para patunayan niya ito.
Pero pagkatapos ng kanyang talumpati, kaagad na tumayo si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at iginiit na hindi niya matatanggap ang resignation ni Cayetano.
Matapos na ipahayag ang kanyang suporta, kaagad na nag- mosyon si Defensor na huwag tanggapin ang alok na resignation ni Cayetano, na sinegundahan naman ni Bulacan Rep. Jonathan Sy Alvarado.
Idinaan sa viva voce voting ang naturang mosyon pero kalaunan ay ginawang nominal voting sa pag-giit na rin ni Defensor.
Base kasi sa Section 13, Rule III ng House Rules, anumang leadership post sa Kamara – kabilang na ang speakership post, ay maikukonsidera lamang bakante sa oras na ang naturang opisyal ay mamatay, magbitiw sa puwesto o hindi na kayang gampanan ang kanyang mandato. (Ara Romero)
-
‘Epektibo agad’: DepEd inaprubahan boluntaryong face masks sa loob ng school
MAAARI nang hindi magsuot ng face masks ang mga estudyante sa loob ng kani-kanilang mga silid-aralan laban sa COVID-19, ito kasunod ng ipinatupad ng Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang kinumpirma ni Department of Education spokesperson Michael Poe, Martes, matapos tanungin ng media. “We will follow [Executive […]
-
Maglive-in partner na tulak isinelda sa higit P.1M shabu sa Malabon
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng maglive-in partner na tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina Robert Rivera, […]
-
NAVOTAS, DOST, TUP LUMAGDA SA MOA SA PAGPAPAHUSAY SA SOLID WASTE MANAGEMENT
LUMAGDA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan ng Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Department of Science and Technology (DOST), at Technological University of the Philippines (TUP), sa isang memorandum of agreement na naglalayong pahusayin ang solid waste management sa urban waterways sa pamamagitan ng deployment ng Aqua Trash Collector Bot (AQUABOT). Ang AQUABOT, […]