• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HOLDAPAN SA CHINA BANK CASE SOLVED NA

MAITUTURING nang “case solve” na ang naganap na holdapan sa loob ng isang sangay ng ChinaBank sa Paco, Maynila kamakailan ayon sa pulisya.

 

Ipinrisinta  nina MPD Director Brig.General Leo Francisco ang suspek na sina Larry Carel, 32, truck driver, residente ng Phase 2 Pkg.3 Blk 70 Lot 23 Bagong Silang  at Ryan Sale,28, ng 28 Palanza St., Brgy.Doña Imelda , Quezon City.

 

Ayon sa pulisya, nahuli ang dalawa sa follow up operations ng MPD alas-2:30 ng hapon noong Setyemb 27,2021 sa Caltex Gasoline Station sa Angelina Cananay Avenue, Parañaque City.

 

Ayon kay Francisco, natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng isinagawang backtracking ng mga CCTV kung saan nakita ang van ng Transportify Mitsubishi L300 van na pag-aari ng Belgrado Trucking na may plakang NCW 2751.

 

Ang dalawa ay nahuli sa follow up operations ng MPD alas-2:30 ng hapon noong Setyemb 27,2021 sa Caltex Gasoline Station sa Angelina Cananay Avenue, Parañaque City.

 

Natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng CCTV kung saan nakita ang van ng Transportify Mitsubishi L300 van na pag-aari ng Belgrado Trucking na may plakang NCW 2751.

 

Ang nasabing van ay nakaparada  sa Paz Guazon kanto ng Mendiola Sts. Manila ilang oras bago ang panghoholdap sa bangko.

 

Matapos ang panghoholdap ay kaswal lang na naglakad ang pangunahing suspek at sumakay sa motorsiklo  saka nagtungo sa kinaroroonan ng van.

 

Pagsapit sa lugar ipinasok ang nakulimbat na pera na nagkakahalaga ng P690,000 at ang motorsiklo ay isinakay din sa loob ng van.

 

Mariin namang itinanggi ng mga  suspek ang insidente at sinasabing wala silang kinalaman sa panghoholdap

 

Sa ngayon patuloy pang hinahanap ng pulisya ang pangunahing suspek na nagpanggap na mag-oopen ng bank account bago nagdeklara ng holdap.

 

Ayon kay MPD Spokesperson Capt.Philipp Ines, tukoy na rin ang pagkakilanlan nito ngunit hindi pa maaring banggitin ang kanyang pangalan dahil sa patuloy follow up operation. GENE ADSUARA

Other News
  • After na ma-confirm ang hiwalayang Elijah at Miles: MAVY at KYLINE, bali-balita naman na nag-break na rin

    MAGTATAPOS na ang year 2023, pero puno pa rin ang schdules ni Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.       Kailan lamang ay nag-announce na ang GMA Network ng bagong historical drama na “Pulang Araw” na magtatampok sa kanya, kasama sina Sanya Lopez at ang BarDa loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.   […]

  • Mabibilang sa mga daliri ang na-stranded: Transport strike ng Manibela at Piston, nilangaw?

    NILANGAW ang transport strike na ginawa at pinangunahan ng transport group na Manibela at Piston.     Sinimulan kasi ngayong araw ng Lunes, Setyembre 23 ang transport strike na ikinasa ng grupong MANIBELA at PISTON. Tatagal ang transport strike, araw ng Martes, Setyembre 24.   Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Transportation Secretary Jaime […]

  • Limited face-to-face classes sa mga low risk areas

    Binigyang diin ng Malacañang na ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limited face-to-face classes ay para lamang sa mga paaralang nasa ilalim ng low risk area classification o mga nasa modified general community quarantine (MGCQ) o nasa transition phase na ng MGCQ papuntang new normal.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon pa […]