• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HOLDAPER, PATAY SA AWTORIDAD

PATAY ang isang lalaki na suspek sa isang panghoholdap matapos na nanlaban sa awtoridad sa Malate, Maynila Lunes ng gabi.

 

 

Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang suspek na Inilarawan ang nakasuot ng muscle shirt at may dalang bag pack at chest bag.

 

 

Sa ulat ni Pat Errhol G. Aguila ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-10:22 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa panulukan ng Taft Avenue at Castro Street, Malate, Manila.

 

 

Nauna dito, nag-report ang biktima na si Niño Crisanto Mallari y Calabbun, 36, isang   MSWD Street Educator at residente ng 2446 Camachile St., Malate, Manila sa Brgy  726, Zone 78, Dist. V, Manila na biktima siya ng pangho-holdap sa Leon Guinto corner Aragon St., Malate, Manila at tinutukan ng baril.

 

 

Inireport ni Brgy Ex O Bernard Pangan ang pangyayari  sa pulisya kung saan kasama ang biktima, sumakay sa motorsiklo ng awtoridad at binagtas ang kahabaan ng panulukan ng Taft Ave., at Castro St. Malate kung saan namataan ang suspek base sa deskripsiyon ng biktima.

 

 

Tinangka ng suspek na tumakbo subalit hinabol siya ni Corporal Marlon Nobleza ng Station Intelligence Branch (SIB) ng MPD  at nagpakilalang pulis subalit imbes na tumigil ay nagbunot ng baril at pinaputukan ang huli dahilan upang gumanti ito na nagresulta sa kanyang kamatayan.

 

 

Narekober sa suspek ang isang kalibre 38 na baril at bala at cellphone na pagmamay-ari ng biktima na nakuha sa kanyang bulsa. (GENE ADSUARA)

Other News
  • DEPLOYMENT NG OFWs SA SAUDI, SINUSPINDE

    PANSAMANTALANG sinuspinde ang deployment ng  Overseas  Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) .     Ito ang ipinag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng natanggap na ulat ng Kagawaran na  ang mga umaalis na  mga OFWs nire-require  ng  kanilang mga employer  o foreign  recruitment agencies nba balikatin ang gastos sa […]

  • Evangelista, Santor hinirang na MOS

    HINIRANG sina Aishel Evangelista ng Betta Ca­loocan Swim Team at Patricia Mae Santor ng Ilus­tre East Swim bilang Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtatapos ng “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Leg 1 kamakalawa sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.   Nanguna ang 14-an­yos na si Evangelis­ta, Grade 10 student sa […]

  • P29 Rice Program sa Navotas

    “P29 Rice Program”: Pinasalamatan nina Navotas Rep. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco si Pangulong Bongbong Marcos dahil may 1,500 Navoteño ang nakabili ng hanggang limang kilo ng P29/kilo na bigas. Pinuri rin ng Tiangco brothers ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na palawakin ang access sa abot-kayang bigas, kasunod ng pag-anunsyo ni Agriculture Secretary […]