Holmqvist apelyido ng ina gagamitin sa jersey
- Published on April 16, 2021
- by @peoplesbalita
MAGPAPALIT ng surname si incoming Philippine Basketball Association (PBA) rookie Ken Holmqvist ng Barangay Ginebra San Miguel na ikakabit sa playing uniform niya sa mga game sa professional cage league.
Pinabatid na niya ang hakbang kay PBA Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, ayon kay BGSM coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone nitong isang araw lang.
Idinahilan ng Filipino-Norwegian na lubhang mahirap bigkasin at isulat ang Ken Holmqvist. Inaantay na lang ng Gin Kings ang sagot ng Office of the Commissioner.
Pero kapag pumayag ang liga, ang middle initial na S (Sagulo) ng dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) player mula sa Far Eastern University, na apelyido ng kanyang ina sa pagkadalaga ang makikita na sa jersey niya ng mga diehard fan ng crowd favorite.
Hinirit pa ni Cone na kasama sa layunin ng 25-year-old, 6-foot-8 baller ang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang ina. Holmqvist ang gamit ng basketbolista sa UAAP at FEU playing years niya.
Maging nang maging kasapi ng national men’s basketball team na nagkampeon sa 3rd Souh East Asian Basketball Association (SEABA) Cup 2016 sa Bangkok, Thailand.
Sa tingin ng Opensa Depensa, aprub ito sa PBA.
Kasi si Jayson Castro ng TNT apelyido ng nanay niya rin ang dinadala sa PBA. Jayson William siya kapag mga kompetisyon naman ng International Basketball Federation (FIBA).
-
Wanted na rapist, nadakma sa Caloocan
KALABOSO ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad na babae matapos madaki sa ginawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Tinugis ng pinagsanib na mga tauhan ng Sub-Station 13 ng Caloocan Police, Warrant and Subpoena Section (WSS), at Batasan Sub-Station 6 ng Quezon City […]
-
Philippine Pediatric Society, may paalala sa mga magulang ukol sa iba pang bakuna na kinakailangan ng mga bata
PINAALALAHANAN ng Philippine Pediatric Society ang mga magulang na huwag ding kalimutang paturukan ng iba pang kinakailangang bakuna ang kanilang mga anak. Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy ngayon na vaccination effort ng gobyerno para sa mga batang 5 to 11yo. Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Chairman […]
-
Wonder Woman Versus Steppenwolf in New ‘Justice League’ Trailer
IN time for International Women’s Day, it is Wonder Woman turn to shine, with the latest teaser and poster dedicated to her journey in the upcoming director’s cut. Zack Snyder’s Justice League unites Batman (Ben Affleck), Wonder Woman (Gal Gadot), Aquaman (Jason Momoa), Cyborg (Ray Fisher) and The Flash (Ezra Miller) to save the […]