Home isolation package ng PhilHealth na may mild at asymptomatic systems
- Published on January 12, 2022
- by @peoplesbalita
Pinaalalahanan kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko na may alok silang COVID-19 Home Isolation Benefit Package (CHIBP) para sa mga miyembro nitong asymptomatic o may mild lamang na sintomas ng COVID-19.
Ayon kay PhilHealth spokesperson Shirley Domingo, ang naturang package ay available para sa mga miyembro nilang nagpositibo sa COVID-19, sa pamamagitan ng RT-PCR test, ngunit hindi nito sakop ang mga may severe o critical symptoms.
Paglilinaw naman ni Domingo, ang home isolation package ay binabayad sa accredited providers at hindi sa mga pasyente dahil ang mga providers aniya ang mag-aalaga sa mga pasyente.
Sinabi ni Domingo na ang mga nais mag-avail ng naturang package ay kinakailangang mayroong separate isolation room at toilet na may maayos na daloy ng hangin para sa bentilasyon.
Anang PhilHealth, ang naturang home isolation package ay alternatibong opsiyon para sa mga COVID-19 positive patients na ayaw manatili sa Community Isolation Unit (CIU) at nais makatanggap ng health support sa kanilang mga tahanan.
Nabatid na ang programa ay dinebelop upang hikayatin ang mga providers na i-extend ang monitoring at clinical support sa mga pasyente na inirerekomenda para sa home isolation, partikular na sa mga area, kung saan maaaring may limitadong availability ng isolation facilities.
Kabilang sa mga serbisyo sa CHIBP, na inilunsad noon pang Agosto 2021, ay probisyon para sa home isolation kit na naglalaman ng alcohol, thermometer, pulse oximeter, face masks, medicines, at vitamins; daily teleconsultation sa loob ng 10-araw ; patient education; at referral sa high level health facilities, sakaling kakailanganin. (Daris Jose)
-
7 ARESTADO SA DRUG BUY BUST SA VALENZUELA
PITONG hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang dalawang bebot ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Roy Hubilla, 45, welder, Jimmyboy Yumul, 38, Noel Villafranca, 33, Fortfred […]
-
P6.2-T national budget iminungkahi para sa fiscal year 2025
IMINUMUNGKAHI ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang P6.2 trillion national budget para sa fiscal year 2025. Mas malaki ito mula sa P5.768 trillion na budget ngayong taong 2024. Ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na target kasi mapalakas pa ng pamahalaan ang mga high impact infrastructure projects na siyang pakatutukan […]
-
PBBM, sinaksihan ang Balikatan 2023 Live-Fire Sea Drills sa Zambales
PERSONAL na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Marcos ang live-fire sea drills ng Pilipinas at armed forces ng Estados Unidos sa Zambales bilang bahagi ng kanilang Balikatan Exercise. Habang isinasagawa ang drills na may 2.8 kilometers mula sa Naval Education Training Doctrine Command (NETDC) sa San Antonio, Zambales, nagpartisipa ang U.S. at Philippine […]