• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HOME SERVICE VACCINATION PARA SA MGA ‘BEDRIDDEN’ NA MANILENYO, ISASAGAWA

MAGSASAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng home service vaccination para sa mga “bedridden” na Manilenyo upang sila ay mabakunahan kontra COVID-19.

 

Kasunod ng paglulunsad ng “home service vaccination” , sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sa pamamagitan nito ay mabibigyan din ng bakuna  ang mga may karamdaman at walang kakayanang magtungo sa itatalagang vaccination sites ng lokal na pamahalaang lungsod.

 

Payo ng alkalde,  ipalista lamang sa nakakasakop na barangay ang pangalan at tinitirhan ng isang bedridden patient na nais magpabakuna upang mapuntahan ito ng kawani ng Manila Health Department (MHD) at maturukan ng covid vaccine.

 

Pinayuhan din ng alkalde ang mga bedridden patients na magpakonsulta muna sa kanilang doktor  bagao magpatala para sa vaccination lalo na ang may kinakaharap na comorbidity.

 

 

Samantala, batay sa pinakahuling datos ng MHD umabot na sa 72,141 frontline workers (A1), senior citizens (A2), at individuals with comorbidities (A3) ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

 

Patuloy naman ang isinasagawang bakunahan kontra COVID-19 ngayong araw kung saan kabilang sa babakunahan ang A1.1-A1.7 group, A2 group, at A3 group. Narito ang listahan ng vaccination sites para sa mga tatanggap ng kanilang first dose: District 1 – Emilio Jacinto Elementary School; District 4 – Ramon Magsaysay High School; at District 5 – Justo Lukban Elementary School

 

Makatatanggap na rin umano ng second dose ng bakuna ang medical frontliners mula sa A1.1-A1.7 group na nakakuha ng kanilang first dose noong March 2 hanggang March 18 kung saan ginaganap ang second dose vaccination sa Palacio de Maynila, Roxas Boulevard ngayong araw.

 

Patuloy naman ang paghihikayat ni Yorme Isko sa mga indibidwal na kabilang sa priority sectors na magpabakuna lalo na’t limitado pa ang bilang ng COVID-19 vaccines na dumarating sa bansa. Aniya, lahat ng interesadong magpabakuna kontra COVID-19 ay maaaring mag-register sa www.manilacovid19vaccine.ph

 

Paalala ng alkalde,  sumunod pa rin sa mga health safety protocols  at minimum public health standards  partikular ang pagsusuot ng  face mask at face shield at ang pag-oobserba ng physical distancing pagdating sa vaccination sites. (GENE ADSUARA)

Other News
  • SANYA, maagang ‘nagpainit’ sa sexy bikini photos na pinost

    AFTER ng tatlong lock-in taping ng top-rating GMA Primetime romantic comedy series na First Yaya, topbilled by Gabby Concepcion and Sanya Lopez, nagkaroon muna sila ng break.      Bale pahinga ng cast at production staff, kaya naman inimbita ni Gabby ang mga kasama niya sa kanyang beach resort sa Batangas.     ‘Nagpainit’ si […]

  • “The Wild Robot” Unveils an Emotional Adventure with Star-Studded Voice Cast

    EMBARK on a whimsical and emotional journey with Lupita Nyong’o and Kit Connor in DreamWorks Animation’s The Wild Robot.       Watch the new trailer and discover this heartwarming tale of adventure, love, and unexpected bonds, coming to Philippine cinemas on October 9.       DreamWorks Animation has just released the highly anticipated […]

  • Dahil sa taglay na class at sophistication: HEART, makikipag-collab naman sa isang Italian luxury brand

    MAY bagong collaboration si Heart Evangelista at ito ay ang Italian luxury brand na Fornasetti.       Sa pinost na video ni Heart on Instagram, makikita siya sa Casa Fornasetti at nilagyan niya ito ng caption na: “A magical place where imagination meets design and an alluring world full of art and decor.”   […]