Honasan inabswelto sa pork barrel scam
- Published on January 16, 2021
- by @peoplesbalita
Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating Senador at ngayon ay Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan at pito pa kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.
Sa 52-pahinang ruling ng anti-graft court, nabigo ang prosekusyon na magpakita ng ebidensya para patunayang guilty sa kaso si Honasan kung saan ang ‘presumption of innocence ‘ ay pumabor sa akusado.
Pinawalang sala rin ang pito pang mga opisyal ng National Council on Muslim Affairs (NCMF) na sina Galay Makalingan, Mehol Sadain, Auroran Aragon-Mabang, Fedelina Aldanese at Olga Galido.
Si Honasan ay inakusahang nagkamal umano ng P29.1 milyon sa kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas lalong kilala bilang pork barrel para umano sa isang Non-Government Organization (NGOs) na hindi dumaan sa proseso ng public bidding.
Si Honasan ang ikaapat na Senador na nasampahan ng kaso sa kontrobersyal na P10 bilyong pork barrel scam ng negosyanteng si Janet Lim- Napoles. Ang iba pa na sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, dating Senador Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla ay ipinagharap ng kasong plunder at nakulong. Si Estrada at Enrile ay nakalaya matapos na magpiyansa habang pinawalang sala ng korte si Revilla. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ex-Gilas Pilipinas player Matt Nieto pumirma ng 3-taon na kontrata sa NLEX
NAKUHA na ng NLEX Road Warriors si dating Gilas Pilipinas player Matt Nieto. Ayon sa NLEX mayroong tatlong taon na kontrata ito sa nasabing koponan. Isinagawa ang pagkuha nila kay Nieto matapos na kunin ng Rain or Shine Elasto Painters ang kambal nito na si Mike. Magugunitang pinakawalan na […]
-
Concert tour ng ‘Iconic’, tuloy na sa July: SHARON, super excited na nag-post at sinabing masosolo na si REGINE
SUPER excited nga na pinost ni Megastar Sharon Cuneta ang poster ng concert tour nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na sa wakas ay matutuloy na sa July 2022 Caption ni Mega, “NANAAAA!!! @reginevalcasid Masosolo na kita abroad sa wakas! I miss you and I love you. “Get ready North America! “We are […]
-
Pinsala sa infra kay ‘Paeng’, P4.3 bilyon na
UMAABOT na sa P4.3 bilyon ang pinsalang iniwan ng Severe Tropical Storm Paeng sa mga imprastruktura sa bansa. Batay sa pinakahuling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 722 imprastruktura ang napinsala sa buong bansa pinakamalaki sa Calabarzon na may 111 at nagkakahalaga ng P1,243,670,800. Sinundan ito ng […]