• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Honasan inabswelto sa pork barrel scam

Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating Senador at ngayon ay Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan at pito pa kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.

 

Sa 52-pahinang ruling ng anti-graft court, nabigo ang prosekusyon na magpakita ng ebidensya para patunayang guilty sa kaso si Honasan kung saan ang ‘presumption of innocence ‘ ay pumabor sa akusado.

 

Pinawalang sala rin ang pito pang mga opisyal ng National Council on Muslim Affairs (NCMF) na sina Galay Makalingan, Mehol Sadain, Auroran Aragon-Mabang, Fedelina Aldanese at Olga Galido.

 

Si Honasan ay inaku­sahang nagkamal umano ng P29.1 milyon sa kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas lalong kilala bilang pork barrel para umano sa isang Non-Government Organization (NGOs) na hindi dumaan sa proseso ng public bidding.

 

Si Honasan ang ika­apat na Senador na nasampahan ng kaso sa kontrobersyal na P10 bil­yong pork barrel scam ng negosyanteng si Janet Lim- Napoles. Ang iba pa na sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, dating Senador Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla ay ipinagharap ng kasong plunder at nakulong. Si Estrada at Enrile ay nakalaya matapos na magpiyansa habang pinawalang sala ng korte si Revilla. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Confident na na-meet ang expectations sa kinalabasan ng ‘Start-Up PH’: BEA, very thankful and flattered sa mga papuri ni ALDEN

    CONFIDENT si Alden Richards na na-meet ang expectations nila sa kinalabasan ng Philippine version ng Start-Up.     Kahit daw hindi naman siya nakakapanood ng playback during the taping pero based sa trailer ng Start-Up ay they have a good show.     “We have something that we are very proud of. Hindi naman natin […]

  • NAVOTAS KINILALA NG DILG SA ANTI-DRUG CAMPAIGN

    KINILALA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas dahil sa matagumpay na pagtugon nito sa problema ng iligal na droga kung saan nakapagtala ito 95% sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit na siyang pinakamataas sa NCR.     Tinanggap ni Mayor Toby Tiangco at Cong. John Rey […]

  • Huling collab nila ang music video na ’Tala’… SARAH, hindi pa rin nakakausap si GEORCELLE

    INAMIN ng dance teacher and choreographer Georcelle Dapat-Sy na hindi pa sila nagkakausap ulit ni Sarah Geronimo.     Ayon sa founder ng G-Force: “No, we have not. You know, I’ve done a lot of collaborations with Sarah Geronimo, and those are treasured collaborations. I am very thankful. I am very blessed for all the […]