• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hontiveros sa house-to-house search for COVID-19 cases ng PNP: Parang tokhang

Inihalintulad ni Senator Risa Hontiveros ang inisyatibang house-to-house search para sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 cases sa ‘oplan tokhang’ na isasagawa ng mga pulis, local government, at health officials.

 

Maaalalang ang oplan tokhang ay ikinasa laban sa iligal na droga.

 

“Parang tokhang pero pang-COVID. This may actually discourage more people from reporting their status. We need to improve home- and community-based healthcare,” ani Hontiveros sa pahayag.

 

“Imbes na pulis, mas kinakailangan ang mga doktor at health workers sa barangay at mga kabahayan. We need more and better barangay-based healthcare, not this,” dagdag pa nito.

 

Ito ang naging reaksyon ng senadora makaraang

 

Samantala, nilinaw naman ni Interior Secretary Eduardo Año na pangungunahan ng mga local health officials ang naturang programa at aasistihan lamang ng mga pulis.

 

“Ang ating kapulisan naman ay mag-a-assist lang sa kanila para sigurado na ma-implement ang lockdown at sigurado din na maayos naman ‘yung paglilipat ng ating mga positive patients.”

Other News
  • Government employees, sang-ayon na babaan ang edad sa pagreretiro

    BUKAS ang ilang mga empleyado ng gobyerno sa hakbang ng House of Representatives na babaan ang kanilang opsyonal na edad sa pagreretiro mula 60 hanggang 56 na taong gulang.     Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng Civil Service Commission, ang isang konsultasyon ng mga tauhan sa buong bansa na isinagawa noong 2019 bago ang […]

  • Malakanyang, siniguro na hindi mangyayari sa Pilipinas ang panunuhol ng Sinovac sa ibang bansa

    TINIYAK ng Malakanyang na  hindi masusuhulan ang mga eksperto sa pamahalaan ng Pilipinas para sa mabilis na pagbibigay ng Emergency Utilization Authority (EUA) sa mga manufacturer ng COVID vaccine.   Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang  mapaulat ang sinasabing pagkakasangkot ng kumpanyang Sinovac sa ibang bansa, para mapabilis ang pagpoproseso ng kanilang […]

  • Pagdinig sa resulta ng Motorcycle (MC) Taxi Pilot Study, isinagawa

    NAGPULONG  nitong Martes ang Komite ng Transportasyon na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop upang dinggin ang resulta ng Motorcycle (MC) Taxi Pilot Study mula sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO).     Isinalaysay ni Acop na nagsimula ang pag-aaral noong 2017 bilang anim na buwang programa para sa operasyon […]