• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hoping na makabuo uli sila next year: DEREK, nagsalita na tungkol sa ‘miscarriage’ ni ELLEN

SA ginanap na presscon kahapon, December 11 ng “Kampon” ang horror movie na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez, natanong ang nagbabalik na aktor tungkol sa pagbubuntis ni Ellen Adarna.

 

 

Target daw ng mag-asawa na magkaroon na sila ng baby sa Year of the Dragon.

 

 

“Well, si Clark (role niya) kasi sa pelikula, sabi ng mga doktor, baog at hindi makabuo.  Kaya ‘yun ang problema naming mag-asawa sa film.

 

 

“To be honest, ako kasi worried ako, kasi medyo tumatanda na ako, eh, akalo ko baog na ako.

 

 

“Pero noong nasa Spain kami, nalaman namin na preggy si Ellen and and then unfortunately nga we lost the baby.

 

 

“Pero atleast nalaman namin na hindi kami baog,” pagbabahagi ni Derek.

 

 

Kahit nga nagkaroon ng miscarriage si Ellen, hindi naman sila nawawalan ng pag-asa na muling makabuo.

 

 

Say pa ni Derek, “First attempt pa lang naman, it was successful and then naging unsuccessful. So, ‘yun talaga ang focus namin to get into full pregnancy right away.

 

 

“It’s sad that we lost the baby, but there is a good possibility pa rin na makabuo.”

 

 

Hindi naman nagdamot si Derek na ikuwento ang pinagdaanan nila nang mawala ang baby sa sinapupunan ni Ellen.

 

 

“Nandun kami sa Spain for mom’s birthday.  Delayed si Ellen, she’s never delayed. So we knew something were up and she got herself tested while were there.

 

 

“She was positive, a great gift to my mom and to us. And then nu’ng pauwi, nag-i-spotting na siya…and we lost the pregnancy.

 

 

“But nothing major, hindi niya kailangang magparaspa, or anything. She’s okay naman after few weeks.

 

 

“Kakatanggal lang ng UID niya, so, hopefully next year, makabuo na uli kami,” pahayag ni Derek.

 

 

At kapag nakabuo uli sila ni Ellen, magiging hands on daw si Derek, kaya malamang mag-exit uli siya sa showbiz.

 

 

“So, pag nangyari yun, medyo malabo nang tumanggap ako ng projects, kasi very hands on akong mag-alaga,” sagot pa ng aktor.

 

 

Samantala, inamin ni Derek na gusto raw niyang magkaroon uli ng baby boy pero nang gawin niya ang pelikulang “Kampon” na produced ng Quantum Films ay parang nagbago ito.

 

 

Nakasama kasi nila ni Beauty ang child actress na si Erin Espiritu, na magiging ‘ampon’ nila ay nagbago na raw ang gusto niya dahil, “parang gusto ko na ngayon ng baby girl.”

 

 

Ang ‘Kampon’ na isa sa entry sa MMFF 2023 ay mula sa direksyon ni King Palisoc at sa panulat ni Dado Dayao.

 

 

Introducing sa movie si Zeinab Harake, kasama sina Nico Antonio, Nor Domingo, Lui Manansala, Cai Cortez, Al Tantay at Kean Cipriano.

 

 

***

 

 

MULING nagsanib-pwersa ang GMA Public Affairs at YouTube para sa ikalawang taon ng Pinoy Christmas in Our Hearts, isang online digital series na nagpapakita ng mga kuwentong Pasko ng mga Pinoy. Tampok sa taong ito sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, YouTube vloggers Beks Batallion, at Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

 

 

Maghahatid-saya sila sa mga OFW sa pamamagitan ng pagbibigay ng sorpresa para muling maranasan ng mga ito ang Paskong Pilipino.

 

 

Siguradong gagawing extra special ni Alden Richards ang holiday season ng isa niyang tagahanga. Nagsisikap ang OFW na si Abigail Gallosa sa Hong Kong para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ate at nanay sa Cebu. Para maibsan ang kalungkutan na malayo sa pamilya, nililibang niya ang kanyang sarili sa panonood ng mga palabas ng hinahangaan niyang Kapuso star na si Alden. Sa pagtatapos ng kanyang kontrata sa Hong Kong, makakapagdiwang na si Abigail ng Pasko kasama ang kanyang ate at nanay sa Pilipinas. Pero mas magiging merry ang kanyang Pasko dahil sosorpresahin siya ni Alden ng isang ‘holi-date’ sa Christmas Capital of the Philippines — Pampanga.

 

 

Anim na Pasko naman nang hindi nakakauwi sa Siargao ang ngayo’y fruit-picker sa Australia na si Mariel Larsen. Ang asawa niyang Australyano na si David at ang apat na taong gulang nilang anak ay naninirahan sa kanilang munting camper van. Ngayong Pasko, uuwing muli si Mariel at kanyang pamilya sa Pilipinas para sorpresahin ang kanyang mga magulang. Sasamahan din sila ng YouTube vloggers na Beks Battalion sa pagbuo ng belen sa Tarlac para sa taunang Belenismo.

 

 

Sigurado ring mapapangiti ni Michelle Dee ang isang teenager sa pamamagitan ng isang simple ngunit makabuluhang sorpresa. Mahilig ang 16-taong gulang na si Sire Garcia sa Siyensya at Robotics, impluwensya ng kanyang Tatay Jervin na 12 taon nang OFW sa Saudi Arabia. Naging maaga ang kanilang Pasko dahil nakauwi na ang ama niya nitong Nobyembre 14. Ngunit makalipas lang ang ilang linggo, kinailangan na rin nitong bumalik sa Saudi. Para mapawi ang lumbay, kinomisyon ni Tatay Jervin si Michelle na i-treat ang kanyang pamilya para sa isang natatanging Christmas adventure.

 

 

Damhin ang diwa ng Paskong Pilipino sa “Pinoy Christmas in Our Hearts Year 2” na eksklusibong mapapanood sa GMA Public Affairs’ YouTube Channel (https://www.youtube.com/gmapublicaffairs) simula Disyembre 13.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Balik-primetime series na sa ‘Maria Clara at Ibarra’: BARBIE, masaya na muling makakasama ang favorite actor na si DENNIS

    IWI-WELCOME ni Ruru Madrid tonight, August 15, ang cast na bubuo sa ‘Lolong: Ang Bagong Yugto,’ na sina Vin Abrnica, Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell at Lucho Ayala.      Makakasama nila ang mga original cast na sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Shaira Diaz, Arra San Agustin, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle […]

  • Lakers dismayado sa no call ng ref laban sa Celtics

    Kinuha ni Lakers guard Patrick Beverley ang isang courtside camera sa pagsisikap na ipakita kay referee Eric Lewis ang alam na ng lahat ng nakapanood ng replay: Na-foul si LeBron James sa kanyang hindi nakuhang layup sa pagtatapos ng regulasyon.   Sa halip na makuha ang tawag, nabigyan si Beverley ng technical foul na nagbigay […]

  • Pacquiao nagpakitang gilas sa huling sparring session bago ang laban vs Ugas

    Tapos na ang anim na linggong training camp ni boxing champ Manny Pacquiao para sa kaabang-abang na laban nito sa susunod na linggo.     Kahapon, apat na rounds ang ginugol ng tinaguriang fighting senator sa sparring session nito kay Abrahan Lopez.     Kinailangan ni Pacquiao ang presensya ni Lopez matapos na hindi natuloy […]