HOSPITAL OCCUPANCY SA MM NASA DANGER ZONE NA
- Published on July 30, 2020
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na nasa “danger zone” na ang mga hospital sa Maynila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID 19.
“Nasa danger zone tayo ngayon sa NCR, nakikita natin na talagang tumataas ang kaso sa ÇOVID 19 ,”ayon kay Vergeire.
Nabatid na umakyat na sa mahigit 50,000 ang active cases ng COVID19 sa bansa at inatasan na rin ang mga pampublikong hospital na itaas hanggang sa 70%,ang bed capacity para sa COVID patients.
Kasabay nito,sinabi ni Vergeire na pag-uusapan mamayang hapon sa IATF ang mga rekomendasyong ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng DOH.
Kabilang na ang ginagawang pakikipag usap ng Pilipinas sa apat na manufacturers sa China para makasali sa cilinical trials sa COVID19 vaccine.
Nabatid na nakisali na rin ang Pilipinas sa clinical trials remdesivir vaccine kung saan may 1,000 COVID patients ang lalahok sa cilinical trial.
Samantala, sinabi ni Vergeire na hindi inirerekomenda ng DOH ang paggamit ng Face mask na may valve dahil piwede itong pagmula ng pagkalat ng impeksiyon.
Una nang sinabi ng DOH na ang N95 mask ang dapat na gamitin ng mga frontliner sa hospital, surgical mass at para sa mga komunidad ay maari nang gumamit ng cloth mask. (GENE ADSUARA)