Hotshots tinuhog ang quarterfinals
- Published on February 21, 2022
- by @peoplesbalita
KUMAWALA ang Magnolia sa third period patungo sa 103-83 pagpapalubog sa Phoenix para angkinin ang unang quarterfinals berth sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nagsumite si import Mike Harris ng 20 points, 13 rebounds, 2 assists at 2 steals para sa 6-0 record ng Hotshots habang may 18 markers si Adrian Wong tampok ang anim na three-point shots.
“We are a defensive team. We want to play defense and that’s the challenge to our players,” wika ni head coach Chito Victolero na pinuri rin si Wong. “Iyong bata naman talaga mayroon iyan eh. Talagang nag-e-extra work siya.”
Nag-ambag si Paul Lee ng 14 points kasunod ang 13 markers ni Mark Barroca.
Nagtapos naman ang two-game winning run ng Fuel Masters (4-3) na nakahugot kay Matthew Wright ng 18 points, 6 assists at 5 boards.
Nakadikit ang Phoenix sa 36-39 sa pagbubukas ng third period hanggang maghulog ang Magnolia ng 21-2 bomba kasama ang tatlong sunod na triples ni Wong para kunin ang 57-41 abante sa 7:01 minuto nito.
Ipinoste ng Hotshots ang 24-point lead, 69-45, mula sa layup ni Jackson Corpuz sa huling 4:18 minuto ng nasabing yugto patungo sa 98-75 bentahe sa Fuel Masters sa huling 2:37 minuto ng final canto.
Sa unang laro, bumalikwas ang Alaska (5-2) mula sa 20-point deficit sa third quarter para agawin ang 102-97 panalo sa Terrafirma (2-5) at patibayin ang kanilang pag-asa sa quarterfinals.
Humataw si Jeron Teng ng career-high 30 points para sa ikatlong dikit na ratsada ng Aces na nakahugot kina Abu Tratter, import Olu Ashaolu at rookie Allyn Bulanadi ng 21, 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.
-
Djokovic wagi sa Wimbledon, nasungkit ika-21 Grand Slam
NATALO ni Novak Djokovic ng Serbia si Nick Kyrgios ng Australia, 4-6, 9-3, 6-4,7-6 (3) para masungkit ang kanyang ika pitong Wimbledon Men’s Title at ika-21 Grand Slam Crown. Sa panalo ni Nadal kagabi, naungusan na niya si Swiss tennis superstar Roger Federer sa bilang ng mga naipanalong majors. Isang grand slam title […]
-
Jose Emmanuel Eala, Olivia Coo tuloy lang ang trabaho sa PSC
TULOY lang ang Philippine Sports Commission kahit kulang pa ng tatlong tao para mabuo ang 5-man Board of Commissioners. Sina chairman Jose Emmanuel Eala at commissioner Olivia ‘Bong’ Coo pa lang ang nasa Board na mga nagpapatupad ng gawain sa ahensiya ng gobyerno para sa grassroots at elite sports ng bansa. […]
-
Malakanyang, pinayuhan ang mga employer na magtalaga ng health safety officer sa kanilang work place
UMAPELA ang Malakanyang sa mga nagmamay-ari ng kumpanya na gumawa ng kaukulang hakbang para masiguro na nagagawa ang pag- iingat sa kanilang work place. Ang apela ng Malakanyang ay ginawa sa harap ng nagpapatuloy na pagsirit ng mga nadaragdag na kaso ng COVID 19. Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet […]