House Bill (HB) 8525, o ang panukalang “Tatak Pinoy Act,” inaprubahan
- Published on December 15, 2023
- by @peoplesbalita
SA PAGSISIKAP ng Kapulungan na maiahon ang kabuhayan ng sambayanang Pilipino, inaprubahan sa bulwagan na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ngayong Martes sa ikatlo at huling pagbasa, ang anim (6) pang prayoridad na panukala na kabilang sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na common legislative agenda ng administrasyong Marcos.
Nagkakaisang inaprubahan ng Kamara ang House Bill (HB) 8525, o ang panukalang “Tatak Pinoy Act,” na inaprubahan sa pabor na botong 251, na magbabalangkas ng Tatak Pinoy Strategy (TPS), upang pasiglahin ang lokal na kalakalan at ang kanilang ugnayan sa value chains.
Sa botong 251-0-1 naman, inaprubahan ang HB 9648, o ang panukalang “New Government Procurement Reform Act” sa ikatlo at huling pagbasa, na magpapawalang bisa sa Republic Act 9184, o ang “Government Procurement Reform Act.”
Layon ng panukala na gawing mas malinaw ang government procurement, mapagkumpitensya, maayos, tuloy-tuloy at inklusibo.
Ang iba pang mga prayoridad na panukala na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ay: 1) HB 9662, o ang panukalang “Blue Economy Act,” sa botong 254-3; 2) HB 9663, o ang panukalang “National Water Resources Act,” sa botong 254-3; 3) HB 9673, o ang panukalang “Philippine Cooperative Code of 2023,” sa botong 254-3; at 4) HB 9674, o ang panukalang “Revised Government Auditing Act,” sa botong 258.
Bukod pa sa mga prayoridad na panukala ng LEDAC, inaprubahan din ng kamara ang iba pang mahahalagang panukala: 1) HB 9682, o ang panukalang “Teaching Supplies Allowance Act;” 2) HB 9588, o ang panukalang “Graduation Legacy for Reforestation Act;” 3) HB 9587, o ang panukalang “Family Tree Planting Act;” 4) HB 9647, na magpapalit sa pangalan ng Motor Vehicle User’s Charge sa Motor Vehicle Road User’s Tax, at itaas ang halaga nito upang makakalap ng pondo para sa public utility vehicle modernization at road safety programs; 5) HB 9034, o ang panukalang “Philippine Archipelagic Sea Lanes Act;” 6) HB 9430, o ang panukalang “Union Formation Act;” at 7) HB 9506, o ang panukalang “Rental Housing Subsidy Program Act.” (Ara Romero)
-
“BULLET TRAIN” OPENS AT NO.1 IN GLOBAL BOX-OFFICE, ARRIVES IN PH AUG 10
THE worldwide box-office hopped aboard Brad Pitt’s blockbuster express as Columbia Pictures’ action-thriller Bullet Train revved up $62.5M in its opening weekend to capture the No.1 spot globally (US and international) for the August 3 to 7 frame. [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/Wcl-GVVQUDc] The UK led all 57 markets with a 5-day total of […]
-
Escortas Water Refilling Station na matatagpuan sa PSG compound, nasunog
SINABI ng Presidential Security Group (PSG) commander Brig. General Jesus Durante III, na nasunog ang Escortas Water Refilling Station na matatagpuan sa PSG Concessionaire area sa loob ng Malacañang Park. Ang establisimyento ay hiwalay at malayo mula sa main Headquarters at pasilidad ng PSG. Nangyari ang insidente dakong-alas 8:30 kahapon ng umaga kung saan ay […]
-
Turismo sa Tagaytay malakas pa rin sa kabila ng pag-aalboroto ng Taal Volcano
NANANATILI RAW malakas ang turismo sa Tagaytay sa kabila nang pag-aalboroto ng Taal Volcano. Sinabi ni Tagaytay City Public Information Officer Angie Batongbacal na hindi naman daw nabawasan ang mga turistang namamasyal sa Tagaytay sa kabila ng nagaganap na aktibidad ng bulkan. Aniya, pareho lamang daw na malakas ang turismo bago […]