• December 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House hearings sa ABS-CBN ‘lutong makaw’

Mistulang lutong ma­kaw umano ang naganap na pagdinig ng House committee on legislative franchises na kung saan “predetermined” na ang desisyon sa ginawang pagbasura sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal.

 

Ito ang naging pagti­ngin ng ilang kongresista sa 40 pahinang report ng technical working group (TWG) na inirekomendang ibasura ang prangkisang hinihingi ng ABS-CBN na sinasabing nakahanda na ang nasabing dokumento bago pa matapos ang pagdinig ng komite.

 

Dahil dito, marapat lamang na talakayin ang natu­rang isyu sa plenaryo para sa pinal na desisyon.

 

“It was a clear case of railroading,” ayon kay Buhay partylist Rep. Lito Atienza na kumukuwestiyon sa legalidad ng nasabing report.

 

Ani Atienza, napaka-imposible na matapos sa loob lamang ng isang gabi ang 40-pahinang dokumento para i-summarize ang 12-araw na pagdinig at testimonya ng mga saksi bukod pa sa araw ng pagbubuod nito.

 

Nangangamba rin si Atienza na malalagay sa balag ng alanganin ang bansa kung ang mga kongresista ay kumikilos bilang “prosecutors, judge, jury at executioner.”

 

Sa botong 70-11 noong Hulyo 10 ay nabasura ang prangkisa ng ABS-CBN kung saan inaprubahan ang rekomendasyon ng three-man TWG na sina Reps. Pablo John Garcia (Cebu City), Xavier Jesus Romualdo (Camiguin) at Stella Quimbo (Marikina), Quimbo.

 

Iginiit naman ni Rep. Lawrence Fortun (Agusan del Norte) na kailangang talakayin sa plenaryo ang resolusyong ginawa ng komite upang makalahok ang may 305 mambabatas sa pagtalakay at maipaliwanag ang ginawang pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN.

Other News
  • Kelot nahulog sa bubong, patay

    Todas ang isang 24-anyos na lalaki matapos mahulog mula sa bubong ng isang warehouse makaraang tumilapon nang sumabog ang transformer sa poste ng meralco sa Malabon city, kahapon ng umaga.     Kinilala ang nasawing biktima na si Jonathan Constantino, 24, plumbing at residinte ng No.212 B. Enriquez St., Brgy. Panghulo, Ubando Bulacan.     […]

  • ‘Mga kaso ng hostage taker sa San Juan, madadagdagan pa’ – Sinas

    MASUSUNDAN pa ang mga kaso laban sa Green Hills hostage taker na si Alchie Paray.   Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Debold Sinas sa panayam ng Bombo Radyo, illegal possession of firearms at explosives ang inisyal nilang isinampa, habang maghahain ng bukod na reklamo ang mga naging hostage nito. […]

  • LTO: Gagawing online lahat ng transakyon

    MAY PLANO ang Land Transportation Office (LTO) na gawin ng online ang lahat ng transaksyon upang maalis ang korupsyon at fixers sa loob ng ahensya.       Sa isang pahayag ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza II ay kanyang sinabi na ang lahat ng pagrerehistro ng sasakyan at aplikasyon para sa lisensya ay gagawin […]