• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House nais ipasagot na rin dialysis meds sa PhilHealth

INATASAN ni House Speaker Martin Romualdez ang PhilHealth na pag-aralan kung maaari nilang sagutin na rin ang gamot na ginagamit sa pagpapa-dialysis  ng mga diabetic patients.

 

 

Ayon kay House ­Deputy Majority Floor leader Erwin Tulfo, ito ang nais ng mga mambabatas sa Kongreso para mabawasan o tuluyan ng malibre ang gamot ng mga may acute diabetes sa bansa.

 

 

“4.5 milyong Pilipino ang may diabetes at halos kalahati nito ang nagpapa-dialysis ng isa hanggang tatlong beses isang linggo,” ani Cong. Tulfo.

 

 

Dagdag pa ng ACT-CIS Representative, “umaabot kasi ng P900 hanggang P1,500 ang injection pagkatapos ng  dialysis session ng isang pasyente”.

 

 

Ayon kay Tulfo, “may instruction si Speaker Romualdez na pag-aralan agad ng PhilHealth kung papaano malibre o sagutin na lang nila ang gamot, totally”.

 

 

Maraming mga dialysis patients daw kasi ang lumapit na kay Romualdez para hilingin na gawin na lang libre ang gamot o makakuha sila ng discount man lang.

 

 

“Sabi ni Speaker sa kanila naiintindihan nya ang bigat ng gastusin sa halos araw-araw ng pagpapa-dialysis”, ayon kay Tulfo.

 

 

“The house leadership want to unload o bawasan itong pasanin sa pagpapa-dialysis”, ayon sa mambabatas.

 

 

Sa ngayon sinasagot na ng PhilHealth ang pagpapadialysis ng mga miyembro nito pero ‘di pa kasama ang gamot.

Other News
  • Rabies data shared system, inilunsad ng JAPOHR-JICA, DOH at Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS- Inilunsad ng Japan and Philippines One Health Rabies project-Japan International Cooperation Agency (JAPOHR-JICA) at ng Kagawaran ng Kalusugan sa pakikipagtulungan ng Research Institute for Tropical Medicine at lalawigan ng Bulacan ang Rabies Data Shared System sa ginanap na pagdiriwang ng World Rabies Day 2021 kamakailan.     Sinabi ni Akira Nishizono, chief adviser […]

  • Ads December 9, 2024

  • Sa lapses sa imbestigasyon ng pumanaw na ama: JANNO, humihingi ng public apology at ‘di na magsasampa ng kaso

    NAGLABAS na ng official statement ang singer-actor na si Janno Gibbs tungkol sa pagkalat ng unauthorized and sensitive video ng imbestigasyon ng pulisya sa pagpanaw ng ama na si Ronaldo Valdez noong December 17, 2023.     Labis na ikinabigla ng kanilang pamilya ang pagpanaw ng beteranong aktor. Pero mas lalo raw nalungkot sina Janno […]