• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House-to-house jabs para sa mga seniors, mga may comorbidities, itinutulak

MULING nanawagan ang Malakanyang sa local government units (LGUs) na ikunsidera ang house-to-house vaccination drives upang mabakunahan laban sa Covid-19 ang mas maraming senior citizens at mga taong may comorbidities.

 

 

Sinabi ni actng Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang pagbibigay ng vaccination services sa bahay ay mas makapagbibigay ng “convenience’ o kaginhawaan para sa mga naturang priority groups, lalo na iyong nahihirapang bumiyahe papuntang vaccination sites.

 

 

“Yung house-to-house campaign will be very effective para ‘yung sa accessibility at meron din po tayong mga kababayan na talagang nahihirapan sila lumabas, nahihirapan pumunta sa vaccination sites,” ayon kay Nograles.

 

 

Kinilala naman ni Nograles na may ilang LGUs ang nagsasagawa na ng house-to-house vaccination drives kung saan ang mga LGUs sa labas ng Kalkhang Maynila at kalapit-lalawigan ay maaari rin itong gawin.

 

 

“Yung hindi makakapagbiyahe. Kailangan reach out nalang tayo sa kanila,” ayon kay Nograles.

 

 

Binigyang diin nito ang pangangailangan para sa kooperasyon sa pagitan ng national at local governments at maging ng general public para makamit ang vaccination goals ng bansa.

 

 

Samantala, todo-depensa naman si Nograles ukol sa naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga barangay chairman na higpitan ang galawa ng mga indibiduwal na hindi pa bakunado laban sa Covid-19.

 

 

Ang naging direktiba ni Pangulong Duterte ay bunsod na rin ng pagtaas ng kaso ng Covid-19.

 

 

Tinukoy ang mga health experts, ang mga unvaccinated individuals na nahawaan ng Covid-19 ay may mataas na “risk of complications,” gaya ng hospitalizations at pagkamatay mula sa virus, kumpara sa mga bakunado.

 

 

“It’s really for the protection of those unvaccinated,” ani Nograles.

 

 

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 54 milyong Filipino ang fully vaccinated laban sa Covid-19.

 

 

Layon ng Pilipinas na maabot ang layunin nito na mabakunahan at gawing fully vaccinated ang 90 milyong Filipino bago matapos ang buwan ng Hunyo. (Daris Jose)

Other News
  • IYA, aminado na mas mahirap ang ikaapat na pagbubuntis kaya kailangang maging maingat

    BIGGEST role ng Kapuso actor na si Nikki Co ang pagganap niya as Jameson Chan sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.      Kontrabida si Jameson sa pamilya Chan kaya sa auditions pa lang daw ay ginalingan na niya.     “Noong nag-audition kasi ako, hindi ko pa alam kung […]

  • Hijab, taqiyah pinapayagan sa PhilSys Step 2 process

    MAAARI nang tumuloy ang mga Muslim Filipinos sa Step 2 biometrics capturing process ng Philippine Identification System (PhilSys) kahit hindi alisin ang kanilang traditional head coverings.     Ang Hijab ay isang belo o takip ng ulo na isinusuot ng maraming babaeng Muslim sa buong mundo bilang isang gawa ng kahinhinan, at isang relihiyosong kasanayan […]

  • CHYNNA, nag-tweet na para matuldukan kung sino man ang gumagawa ng tsismis na COVID-19 positive ang buong pamilya

    NA–TSISMIS or may nagtsi-tsismis pala na kesyo may COVID-19 daw ang buong pamilya ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza.     Meaning, si Chynna, ang mister niya na si Kean Cipriano at ang dalawang anak nina na sina Stellar at Salem.           Hindi pa namin nakakausap si Chynna habang isinusulat ‘to kaya […]