House-to-house vaccination ng pamahalaan, tuloy pa rin pero para lamang sa mga bedridden -Usec. Malaya
- Published on August 11, 2021
- by @peoplesbalita
TULUY-TULOY pa rin ang house-to-house vaccination ng pamahalaan subalit para lamang sa mga bedridden.
Sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya sa Laging Handa public briefing na ang lahat ng Local Government Units (LGUS) sa Kalakhang Maynila at karatig-lugar ay gumagawa ng house-to-house vaccination.
“Para lamang po iyan sa mga bedridden na hindi makalabas ng kanilang bahay. Ngunit hindi naman po natin puwedeng gawing massive ‘yan dahil hindi naman ganoon karami ang ating mga vaccinators at malaki ang manpower na kakailanganin natin. Iyong pag-transport na lamang ng mga bakuna. Isipin natin kung Pfizer ang ating ibabakuna … have to keep the temperature at hindi kailangan na nagagalaw ‘yan na lamang. This is a logistical issue na unfortunately hindi natin makakaya ang house to house,” ani Usec. Malaya.
Magkagayon man ay mayroon namang ginawang interventions ang DILG lalo pa’t nagsimula na ang lockdown ngayong araw at ito ay nagbigay sila ng instructions sa kapulisan na kailangan lamang na padaanin sa check points ay iyong may mga QR code, may mga schedule ng pagbabakuna maging ito man ay email o text.
Mangyaring ipakita lamang ito sa kapulisan para makadaan sa lugar na may checkpoints.
Ito ang pipigil sa pagdagsa ng mga tao na walang iskedyul sa mga vaccination centers.
Samantala, gustong malaman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang puno’t dulo ng tila pananabotahe sa vaccination program ng pamahalaan na paiigtingin ngayong 2 linggo ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region.
Dumagsa kasi kahapon sa mga malls at vaccination centers sa Maynila, Las PInas, Antipolo ang mga taong nais na magpabakuna matapos na maalarma sa kumalat na fake news na “no vaccine, no ayuda”.
“Nakapagtataka lang na kung medyo nakita natin na may nagpakalat talaga nitong na ikinonekta ang ayuda sa vaccination. Wala naman pong ganyan eversince? Na kesyo matitigil ang vaccination dito sa Maynila at kailangang bilisan nilang magbakuna. So, and then, mayroon pang reports na may mga bus na nakasakay iyong mga magpapabakuna at dinala sa iba’t ibang bakuna centers. So, itong mga ganito as the DILG … hindi namin puwedeng ibalewala? We will have to get to the bottom of this and I hope.. iyon nga po.. ma-dispel ito? But just in case na mayroong ganito ngang reports. This must be thoroughly investigated,” anito.
At gaya aniya ng kanyang sinabi ay nagsanib puwersa na ang NBI, PNP at National Task Force (NTC) para imbestigahan ang bagay na ito.
-
Pinay na mas pabor sa live-in, dumami
TUMAAS ng 19 percent ang bilang ng mga kababaihan na mas pumapabor sa set-up na live-in kaysa magpakasal noong 2022. Ito ay mas mataas sa 5 percent ng mga kababaihan na gusto ng live-in set-up noong 1993 batay sa survey ng Commission on Population Development. Base sa National Demographic and Health Survey na ang 19 […]
-
Fingerprints nina Alice Guo, Guo Hua Ping pareho – NBI
“WALANG sikretong hindi nabubunyag!” Ito ang sinabi ni Sen. Risa Hontiveros matapos kumpirmahin ng National Bureau of Investigation (NBI) na magkatugma ang fingerprints nina Mayor Alice Guo at Guo Hua Ping. “Ibig sabihin, they are the fingerprints of one & the same person,” ani Hontiveros. Kumpirmado na aniya na […]
-
Ex-Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso
NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election. Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder, at violation of BP No. 880 ang isinampa […]