‘House visit’ sa media ipinatigil, iimbestigahan ng PNP
- Published on October 18, 2022
- by @peoplesbalita
PINAIIMBESTIGAHAN ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin, Jr. ang isinagawang ‘house visit’ ng ilang mga pulis na nagbigay ng pangamba sa ilang miyembro ng media.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, bukod sa imbestigasyon papanagutin din ang mga pulis na responsable sa pagpapatupad nito.
Sinabi ni Fajardo na maglalabas sila ng panuntunan o sistema kaugnay ng house visit lalo pa’t walang direktang utos mula sa PNP headquarters at National Capital Region Police Office (NCRPO) kung paano makakausap ang bawat mamamahayag na may banta sa kanilang buhay.
“There was no direct instruction or directive coming from the national headquarters na magkaroon ng house visitation sa bahay ng ating kasamahan sa media,” ani Fajardo.
Sa ngayon aniya, maliwanag na koordinasyon lamang ang sinasagawa ng bawat police district sa mga mamamahayag at pagtatanong kung may nakakatanggap sila ng pagbabanta.
Isa sa kanilang liliwanagin ay pagkakaroon ng access ng mga pulis sa address ng bahay ng media. Aniya, dapat liwanagin kung paano nakuha at ang source ng impormasyon.
“We are not making excuses. May mali talaga sa naging procedure. Kung maganda ang intensyon, maganda ‘yung efforts nila, subalit dapat talaga nagkaron muna ng coordination or probably isinama ‘yung barangay,” dagdag pa ni Fajardo.
Samantala, ipinatigil na ni NCRPO chief Police Brigadier General Jonnel Estomo ang ‘house visit’ o pagbabahay-bahay ng mga pulis upang bisitahin ang mga mamamahayag kaugnay ng mga posibleng pagbabanta sa buhay dahil sa kanilang mga trabaho.
Ayon kay Estomo, nagpasya silang itigil na ang house visit makaraan magpahayag ng pagkabahala ang ilang mamamahayag sa sistema
Paliwanag naman ni PLtCol. Dexter Versola, tagapagsalita ng NCRPO, layon ng house visit na makakuha ng impormasyon sa posibleng banta sa ilang miyembro ng media.
Bagama’t malinis ang kanilang hangarin, sinabi ni Versola na posibleng nagbigay ito ng maling mensahe sa mediamen. (Daris Jose)
-
MGA PASAHERO sa KAHABAAN ng COMMONWEALTH AVENUE, PATULOY ANG SAKRIPISYO SA PAGSAKAY ng PUBLIC TRANSPORT
Ang Commonwealth Avenue ang sinasabing pinakamalapad na highway sa Metro Manila. Naguumpisa ito sa may Quezon Memorial Circle hanggang sa may Quirino highway. Ang kabuuan nito ay sakop ng Quezon City at ang kabilaang banda ay ang pinakamalalaking barangay ng Quezon City – Old Capitol site, San Vicente, UP Campus, Culiat, Matandang Balara, Commonwealth, […]
-
Duterte dinoble ang insentibo ng mga SEA Games medalists
KAGAYA ng inaasahan, binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng cash bonus ang mga national athletes na nag-uwi ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals mula sa nakaraang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Dinoble ng Presidente ang insentibong matatanggap ng mga SEA Games medalists sa ilalim ng Republic Act 10699 […]
-
Ads January 21, 2023