HOUSING FEES SA NAVOTAS, DI MUNA BABAYARAN
- Published on June 10, 2020
- by @peoplesbalita
NAGPASA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng ordinansa na hindi muna pababayaran ang maintenance fee sa pabahay at renta sa mga pasilidad nito.
Sa City Ordinance No. 2020-29, hindi muna magbabayad ang mga residente ng NavotaAs Residences sa Brgy. San Roque at NavotaAs Homes 1 at 2 sa Brgy. Tanza 2 ng P300 buwanang maintenance fee ng kanilang housing unit hanggang June ngayong taon.
Libre rin munang magagamit ang mga stall sa NavoKabuhayan at ang tatlong multi-purpose hall sa NavotaAs Homes 1 at 2 hanggang June.
Ang mga bayad na ibinigay para sa March hanggang June ay ituturing bilang kabayaran sa July 2020 at sa susunod pang mga buwan.
“Hindi na pinabayaran ang mga fee na ito noon pang March hanggang May 2020 base sa nakasaad sa City Ordinance No. 2020-12. Kinailangan naming mag-adjust ng validity period sa polisiyang ito dahil pinalawig ang Enhanced Community Quarantine sa Navotas hanggang May 31,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Maraming mga pamilyang Navoteño ang naghihirap dahil sa pandemya ng COVID-19. May mga nawalan ng trabaho, may mga hindi na nakapasok dahil sa iba ibang rason. Hangad namin na mapagaan ang kanilang pasanin at makatulong sa pagharap nila ng krisis na ito,” dagdag niya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
LeBron nalampasan na sa all-time scoring list si Abdul-Jabar
KINILALA ngayon ang NBA superstar na si LeBron James bilang highest scoring player sa kasaysayan ng liga sa pinagsamang regular season at postseason. Ang record breaking feat ni James ay nagdala sa kanya upang lampasan ang basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar. Naabot ni James ang panibagong milestone sa laro kanina […]
-
Angkas posibleng mag-operate muli
Ang motorcycle back-riding na Angkas ay papayagan muling mag-operate “in principle” pending health safety guidelines na kanilang dapat gagawin na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang labanan ang paglaganap ng COVID -19. Sa ilalim ng Resolution No. 47, ang IATF, ay inatasan ang Department of Transportation […]
-
Red Cross tigil muna sa PhilHealth COVID-19 tests
ITINIGIL ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagbibigay ng COVID-19 tests sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) makaraang mabigo ang ahensya na makapagbayad ng utang na aabot na sa higit na P1 bilyon. Dahil dito, apektado ang pagbibigay ng RT-PCR tests sa mga overseas Filipino workers na dumarating mula sa mga […]