• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Housing unit, ipinagkaloob ng Valenzuela sa isang PWD Family

MISYON ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na magbigay ng inklusibong serbisyo para sa lahat, kaya naman pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian, sa pakikipag-ugnayan ng City Social Service and Development Office (CSWDO) at Housing and Resettlement Office (HRO) ang pagbibigay ng isang fully-furnished na housing unit sa isang PWD family sa Disiplina Village, Brgy. Ugong.

 

 

Ang benepisyaryo ay isang PWD family na kinabibilangan nina Mr. Jonady Zapanta, 42, kanyang kapatid na si Ms. Nelly Zapanta, 32, may sakit na Tetra-Amelia Syndrome, at ang kanilang pamangkin na si Ms. Marie Zapanta, 19, na may hydrocephalus. Ang pamilya ay kliyente na ng Pamahalaang Lungsod mula 2011 kung kailan nagsimula ang kanilang paghingi ng tulong pinansyal para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

 

 

Si Mr. Zapanta, bilang pinuno ng kanilang pamilya ay hindi napigilan ng kanyang sariling kapansanan at patuloy na nagsumikap bilang isang beautician sa Barangay Dalandanan para suportahan ang kanilang pamilya kung saan ang kinikita niyang PhP 4,000 kada buwan ay hindi sapat para sa pangangailangan ng pamilya.

 

 

Noong 2016, namagitan na ang CSWDO sa pamamagitan ng pagbibigay ng pang araw-araw na supply ng diapers at gatas. Nagbigay rin ng serbisyo si Ms. Amelia Gatuz , isang homecare volunteer, sa pamamagitan ng pagtulong sa pangangalaga kay Marie.

 

 

Dahil sa hirap ng sitwasyon ng pamilya ay inirekomenda sila ng CSWDO na mabigyan ng tuloy-tuloy at maayos na tulong, kaya naman binigyan sila ng Pamahalaang Lungsod ng isang housing unit sa Disiplina Village na naglalaman ng mga kagamitan para sa mga pangangailangan ng pamilya nanaglalayon magbigay ng mas komportableng matutuluyan para sa kanila.

 

 

Isa lamang ito sa mga darating pang programa ng lokal na pamahalaan na makakapagpagaan sa pamumuhay ng Pamilyang Valenzuelano.

 

 

Dumalo rin sa pagbibigay ng housing unit sina Councilor Niña Lopez, CSWDO head Ms. Dorothy Evangelista, HRO head Ms. Elenita Reyes, Ugong Punong Barangay Ed Nazar at Konseho. (Richard Mesa)

Other News
  • 27.6 milyong estudyante, balik-eskwela

    MATAPOS ang dalawang taon, magbabalik-eskwelahan na ngayong Lunes ang mahigit 27.6 milyong mag-aaral sa bansa.     Sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023 na inilabas ng DepEd, nasa 27,691,191 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral.     Katumbas ito ng 100.47% o higit sa […]

  • DOTr , nagsimula ng mag-inspeksyon ng brand-new PNR Clark trains

    NAGSIMULA na ang Department of Transportation (DOTr) na mag-inspeksyon ng mga tren na binili ng Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1 project sa Valenzuela City.     Sa isang Facebook post, pinangunahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang pag-inspeskyon ng mga tren na binili mula sa Japan Transport Engineering Company and Sumitomo Corporation bilang […]

  • ‘Resident Evil: Welcome to Raccoon City’, Official Title Of The RE Reboot Movie

    DIRECTOR Johannes Roberts revealed in an interview with IGN during an SXSW online event, Resident Evil reboot movie official title is Resident Evil: Welcome to Raccoon City.      According to collider.com, it will take the zombie franchise back to theaters, with a new origin story inspired by the main video game series.     The reboot movie is not going to follow […]