• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Hudas” timbog sa Valenzuela buy bust, P2.4 milyon droga nasamsam

UMABOT sa mahigit P2.4 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, Huwebes ng umaga.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong suspek na si alyas “ Reymond Hudas”, 33 ng Block 4, Lot 5, Phase 2A, Northville 1, Brgy., Bignay.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagputok ng pangalan ni “Hudas” sa pagbebenta umano ng droga sa kanilang lugar at kalapit na mga barangay.

 

 

Isinailalim ng SDEU sa validation ang suspek at nang positibo ang ulat ay agad nagkasa ang mga ito ng buy bust operation sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez at PEMS Restie Mables kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay “Hudas” ng P8,500 halaga ng droga.

 

 

Nang matanggap ang pre-arranged signal mula sa kanyang kasama na hudyat na nakabili na ito ng droga sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka dinamba si “Hudas” sa harap mismo ng kanyang bahay dakong alas-7:40 ng umaga.

 

 

Ayon kay Cpt. Sanchez, nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 365 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,482,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang 8-pirasong P1,000 boodle money, hard case, cellphone at digital weighing scale.

 

 

Ani PSSg Carlos Erasquin Jr, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 (Comrehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa nilang kaso laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Destura at kanyang mga tauhan sa kanilang pagtugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive & Honest Law Enforcement Operations” na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Dagdag na wastewater facilities, itatayo ng Manila Water

    MAGDARAGDAG ng wastewater treatment plants ang East Zone concessionaire Manila Water para matiyak na ang domestic wastewater mula sa mga kabahayan ay hindi magdudulot ng polusyon sa mga ilog at sa iba pang uri ng katubigan sa bansa.     Ayon sa Manila Water, ang hakbang ay bilang pagtalima nila sa Philippine Clean Water Act […]

  • Placement fee sa OFWs, pinatitigil

    PINATITIGIL  ng mga senador ang pangongolekta ng placement fee mula sa mga Filipino na nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa.     Ayon kay Senate Majority leader Joel Villanueva, dapat pairalin na sa lahat ng OFWs ang patakaran ng Japan na ‘no charging of placement fee’.     Paliwanag pa ni Villanueva, sa ilalim ng […]

  • Kinakiligan ng netizens ang komento… JERICHO to JANINE: “I am over the moon for you!”

    KINAKILIGAN ng netizens ang naging komento ni Jericho Rosales sa IG post ni Janine Gutierrez tungkol sa latest movie na ipalalabas sa Venice Film Festival.     Ayon sa The 6th EDDYS Best Actress, “Super dream come true – our film, Lav Diaz’s Phantosmia, will premiere at this year’s La Biennale di Venezia. Sooooo grateful […]