• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huling collab nila ang music video na ’Tala’… SARAH, hindi pa rin nakakausap si GEORCELLE

INAMIN ng dance teacher and choreographer Georcelle Dapat-Sy na hindi pa sila nagkakausap ulit ni Sarah Geronimo.

 

 

Ayon sa founder ng G-Force: “No, we have not. You know, I’ve done a lot of collaborations with Sarah Geronimo, and those are treasured collaborations. I am very thankful. I am very blessed for all the collabs that we’ve done. So, I wish her all the best, and I hope that she wishes all the best also for my team.”

 

 

 

Naging malaking bahagi ng career ni Sarah si Georcelle for 16 years. Naging choreographer ito ni Sarah sa mga concerts at sa music videos. Huling collaboration nila ay sa music video na “Tala”.

 

 

Noong mag-celebrate si Sarah ng kanyang 20th anniversary noong 2023, wala roon si Georchelle.

 

 

Ang naging dahilan ng falling out daw nila ni Sarah ay ang “artistic differences”.

 

 

***

 

 

NAGING traumatic man ang experience ng GMA weather reporter at ‘Unang Hirit’ host na si Anjo Pertierra sa nakaraang Bagyong Carina, unti-unti na raw itong nakaka-recover.

 

 

Kabilang si Anjo sa mga residenteng inilikas ng search and rescue team matapos malubog sa tubig-baha ang maraming lugar sa Marikina City.

 

 

Sa kabila ng nangyari kay Anjo, nagawa pa rin nito na mag-report sa trabaho para makapahatid ng latest update sa kalagayan ng panahon noong araw na iyon.

 

 

Sa Facebook post ng GMA Public Affairs noong July 25, 2024, makikita ang mga litrato ng Kapuso host habang nasa background niya ang Marikina River.

 

 

Kinuwento ni Anjo sa Unang Hirit ang nangyari sa kanya nang pasukin na ng baha ang kanyang bahay. Napakabilis daw ng pagpasok ng baha sa kanyang kuwarto sa basement at hindi na niya mabuksan ang pinto nito dahil sa dami ng tubig sa loob at sa tindi ng water pressure.

 

 

Kaya wala siyang nasalbang gamit, maliban sa apat na T-shirt. Pati ang sasakyan niya sa labas ng bahay ay nalubog sa baha.

 

 

Sa pamamagitan ng paddle boat at mga rescuers ay naligtas siya at ang iba pang residente sa kanilang lugar.

 

 

Paniniwala naman ni Anjo na pagsubok lang ang nangyari at mababawi niya ang iba pa ang mga nawala sa kanila.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS na magpaalam bilang Iron Man, balik sa Marvel Cinematic Universe si Robert Downey Jr. bilang si Doctor Doom.

 

 

Ni-reveal ito sa naganap na San Diego Comic-Con. Lalabas si Doctor Doom sa Avengers: Doomsday in 2026 at Avengers: Secret Wars in 2027.

 

 

Post ng aktor sa Instagram: “New mask, same task.”

 

 

Nag-retire si RDJ bilang Tony Stark/Iron Man in 2019 sa Avengers: Endgame. In March 2024, nagwagi si RDJ ng kanyang first Oscar award as Best Supporting Actor para sa Oppenheimer.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ex-PRRD nakahandang humarap sa ICC, hinamon ang int’l criminal court

    HINAMON ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte ang International Criminal Court (ICC) na simulan ang imbestigahan nito sa kanyang madugong war on drugs.   Sa pagharap ng dating pangulo sa pagdinig ng Quad Comm, sinabi ni Duterte sa ICC na “come here and start the investigation tomorrow,” sabay dagdag na baka yumao siya bago magkaroon […]

  • PBA nakaabang sa bagong quarantine restrictions

    Panibagong paghihintay na naman ang gagawin ng PBA upang makapag-ensayo sa loob ng NCR plus bubble at ang planong masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa susunod na buwan.     Hihintayin pa ng PBA ang bagong Joint Admi­nistrative Order mula sa GAB, DOH at PSC para sa guidelines ng training resumption sa NCR plus […]

  • Mangingisda sugatan sa pananaksak sa Navotas

    MALUBHANG nasugatan ang isang 37-anyos na mangingisda matapos pagsasaksakin ng isang lalaki sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Arnold Fatagani, ng Pescador St., Brgy. Bangkulasi.     Nakapiit naman ngayon sa detention cell ng Navotas police habang nahaharap sa […]