• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huling-huli ang kiliti ng mga viewers dito at sa ibang bansa: Multi-Genre Director na si GB, muling naka-score ng ‘number one’ content sa Vivamax

NAKA-SCORE muli ang Multi-Genre Director na si GB Sampedro nang dalawang ‘number one’ content sa Vivamax, ang latest movie niyang ‘Purification’ at ang original series na ‘High (School) On Sex.’

 

 

Ang ‘High (School) On Sex’ ay sexy comedy coming-of-age series na pinagbibidahan ni ‘Boy Bastos’ star Wilbert Ross na una niyang naidirek sa ‘Crush Kong Curly’. Kasama sina Denise Esteban, Migs Almendras, Angela Morena at Kat Dovey.

 

 

Ang sexy series ay nanatiling nasa top spot simula nang mag-premiere ito noong May 21, 2022. Trending din ito sa social media dahil sa sexy and controversial scenes.

 

 

Samantala, sa ‘Purificacion’, hatid direktor ang isang sexy thriller na kukwestyon sa inyong pananampalataya. Isang policewoman ang mag-iimbestiga sa naganap na series of killings sa mga kababaihan sa Santa Monica at ang main suspect niya ang new priest na si Father Purificacion played by Josef Elizalde. Also starring sina Cara Gonzales, Ava Mendez, Rob Guinto, Stephanie Raz, Quinn Carrillo at Kat Dovey.

 

 

Hindi lang ang mga ito ang consistent number one sa online platform ng Vivamax, maging ang mga nauna niyang pelikula noon tulad ng ‘Doblado’, ‘Kinsenas Katapusan, ‘Crush Kong Curly’ at ‘Kaka.’

 

 

Kilala ring concert director si Direk GB kaya natanong siya kung ano ang mas exciting gawin?

 

 

“Sa bawat project na ginagawa I make sure na gusto ko ang trabahong tinatanggap ko para nae-excite at nae-enjoy ko itong gawin at the same time,” sabi niya.

 

 

“Preference ko rin kasi ang iba’t ibang uri ng proyekto ang tinatanggap ko para laging bago para sa akin ang gagawin ko. Kahit sa pelikula mas gusto ko na iba-ibang genre para rin di ako mapako sa isang uri lang ng film.”

 

 

Nagsimula si Direk GB bilang direktor sa musical drama anthology ma ‘Your Song’. Ang first feature length film niya ay ang ‘Astig’ starring Dennis Trillo, Arnold Reyes, Edgar Allan Guzman and Sid Lucero, na isa sa naging entries sa most prestigious independent film festival na Cinemalaya noong 2009.

 

 

At dahil isa rin ang multi-awarded director sa moneymaker ng Vivamax, kinontrata na siya ng 10 movies ngayong 2022 na posible pang madagdagan. Huling-huli kasi niya ang kiliti ng viewers, mapa-sexy comedy o mapa-erotic psycho thriller, hindi lang mga Pinoy kundi mga international subscribers nang nangungunang streaming app sa bansa.

 

 

Kasalukuyang niyang sinu-shoot ang ‘5 in 1’ na muli nilang pagsasamahan ni Wilbert Ross. Ang next project naman niya ay isang psycho sexy thriller na may titulong ‘Kara Krus.’

 

 

At ngayong August 26, siya ang magdi-direct ng concert ng trending trio na Beks Battalion (composed of Chad Kinis, Lassy and MC Muah) titled Beks2Beks2Beks, gaganapin ito sa New Frontier Theater na kung saan isa si Vice Ganda sa mga guests.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • “There is no patching things up”

    SINABI ni Vice President Sara Duterte na walang pag-aayos na magaganap sa kanila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at umabot na sila sa “point of no return.”     “I believe we reached the point of no return and it is clear na [that] they are really going after me,” ang sinabi ni VP Sara […]

  • PBBM, hangad magkaroon ng lupon para sa Fund for Responding to Loss and Damage na naka- base sa Maynila

    KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang Fund for Responding to Loss and Damage (FRLD) sa Pilipinas pagdating sa pagtugon sa masamang epekto ng climate change.       Kaya nga, nais ng Chief Executive na ang Board o Lupon ay nakabase sa bansa dahil sa mahalagang papel nito sa pagtulong sa Pilipinas […]

  • Employment rate sa Pinas, tumaas ng 96% noong Agosto

    TUMAAS ng 98% ang employment rate sa Pilipinas noong Agosto ngayong taon.   Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na nakapagtala ito ng 95.6% sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.   Sinabi ni Mapa na ang resulta ng pinakabagong labor force survey ay nagpapakita na ang employment rate noong Agosto ay mas mataas kaysa sa […]