• September 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huling-huli ang kiliti ng mga viewers dito at sa ibang bansa: Multi-Genre Director na si GB, muling naka-score ng ‘number one’ content sa Vivamax

NAKA-SCORE muli ang Multi-Genre Director na si GB Sampedro nang dalawang ‘number one’ content sa Vivamax, ang latest movie niyang ‘Purification’ at ang original series na ‘High (School) On Sex.’

 

 

Ang ‘High (School) On Sex’ ay sexy comedy coming-of-age series na pinagbibidahan ni ‘Boy Bastos’ star Wilbert Ross na una niyang naidirek sa ‘Crush Kong Curly’. Kasama sina Denise Esteban, Migs Almendras, Angela Morena at Kat Dovey.

 

 

Ang sexy series ay nanatiling nasa top spot simula nang mag-premiere ito noong May 21, 2022. Trending din ito sa social media dahil sa sexy and controversial scenes.

 

 

Samantala, sa ‘Purificacion’, hatid direktor ang isang sexy thriller na kukwestyon sa inyong pananampalataya. Isang policewoman ang mag-iimbestiga sa naganap na series of killings sa mga kababaihan sa Santa Monica at ang main suspect niya ang new priest na si Father Purificacion played by Josef Elizalde. Also starring sina Cara Gonzales, Ava Mendez, Rob Guinto, Stephanie Raz, Quinn Carrillo at Kat Dovey.

 

 

Hindi lang ang mga ito ang consistent number one sa online platform ng Vivamax, maging ang mga nauna niyang pelikula noon tulad ng ‘Doblado’, ‘Kinsenas Katapusan, ‘Crush Kong Curly’ at ‘Kaka.’

 

 

Kilala ring concert director si Direk GB kaya natanong siya kung ano ang mas exciting gawin?

 

 

“Sa bawat project na ginagawa I make sure na gusto ko ang trabahong tinatanggap ko para nae-excite at nae-enjoy ko itong gawin at the same time,” sabi niya.

 

 

“Preference ko rin kasi ang iba’t ibang uri ng proyekto ang tinatanggap ko para laging bago para sa akin ang gagawin ko. Kahit sa pelikula mas gusto ko na iba-ibang genre para rin di ako mapako sa isang uri lang ng film.”

 

 

Nagsimula si Direk GB bilang direktor sa musical drama anthology ma ‘Your Song’. Ang first feature length film niya ay ang ‘Astig’ starring Dennis Trillo, Arnold Reyes, Edgar Allan Guzman and Sid Lucero, na isa sa naging entries sa most prestigious independent film festival na Cinemalaya noong 2009.

 

 

At dahil isa rin ang multi-awarded director sa moneymaker ng Vivamax, kinontrata na siya ng 10 movies ngayong 2022 na posible pang madagdagan. Huling-huli kasi niya ang kiliti ng viewers, mapa-sexy comedy o mapa-erotic psycho thriller, hindi lang mga Pinoy kundi mga international subscribers nang nangungunang streaming app sa bansa.

 

 

Kasalukuyang niyang sinu-shoot ang ‘5 in 1’ na muli nilang pagsasamahan ni Wilbert Ross. Ang next project naman niya ay isang psycho sexy thriller na may titulong ‘Kara Krus.’

 

 

At ngayong August 26, siya ang magdi-direct ng concert ng trending trio na Beks Battalion (composed of Chad Kinis, Lassy and MC Muah) titled Beks2Beks2Beks, gaganapin ito sa New Frontier Theater na kung saan isa si Vice Ganda sa mga guests.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Heat pinalawig ng apat na taon ang kontrata ni Herro

    PINALAWIG pa ng Miami Heat ang kontrata ng kanilang guard na si Tyler Herro ng apat na taon.     Ayon sa koponan na nagkakahalaga ng $30 milyon kada season ang nasabing kontrata nito.     Sinabi ni Heat president Pat Riley na isang multi-faceted player si Tyler kaya hindi na nila ito binitawan.   […]

  • Online System para sa Driver’s License Card Requests, inilunsad ng LTO

    INILUNSAD ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang bagong online system para sa mga request at nagtatanong ng availability ng Driver’s License Cards.     Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” I. Verzosa III, ang bagong feature ay accessible sa official LTO-NCR website para sa mas mabilis at kumbinienteng solosyon sa mga kliyente […]

  • Kongreso tutulong sa PSC

    HANDA ang Congress Committee on Youth and Sports Development na suportahan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa hihinging P182M badyet para sa kampanya ng bansa sa 32nd Summer  Olympic Games 2021 sa Topkyo, Japan.   Base ito sa committee regular meeting nitong Miyerkoles na ginanap sa House of Representatives sa Quezon City.   Inesplika ni PSC […]