• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huling Linggo ng Abril: Halos 1-M na ang total COVID case sa PH, 109 bagong nasawi

Mula sa 9,661 kahapon, bahagyang bumaba sa 8,162 ngayong huling araw ng Linggo sa Abril ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa.

 

 

Sa tala ng Department of Health (DOH) kaninang alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 997,523 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

 

 

Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 20,509 na bagong recoveries kung saan nasa 903,665. na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.

 

 

Nasa 16,783 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng 109.

 

 

Una nang iniulat ng independent group na OCTA Research na hindi malabong sumipa sa mahigit isang milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas bago matapos ang Abril.

 

 

“Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” base sa report ng grupo.

Other News
  • Gobyerno patuloy na titiyakin ang food security sa bansa-PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na titiyakin ng gobyerno ang food security sa bansa at gawing ‘affordable’ ang pagkain sa publiko.     Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Marcos na habang umani ang Pilipinas ng mahigit sa 20 milyong tonelada ng palay noong nakaraang […]

  • Qatar football team hindi ipapahiya ang bansa sa hosting nila ng FIFA World Cup

    KABILANG sa apat na koponan ng Group A ng FIFA World Cup 2022 ang host country na Qatar.     Sa kasaysayan kasi ng FIFA ay ito ang unang pagkakataon na maging host ang isang Arab nation.     Noong Disyembre 2010 pa ng ianunsiyo ng FIFA ang hosting ng Qatar.     Noong 2011 […]

  • Walang taas-pasahe basta may fuel subsidy – transport

    HINDI hihirit ng dagdag pasahe ang mga transport groups kung magbibigay ng fuel subsidy ang gobyerno.   Ito naman ang kondi­syon ng Magnificent 7 kaugnay ng pagtataas ng presyo ng diesel at gasolina bukas.   Sa panayam kay Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburb Drivers Association Nationwide, Inc. (PASANG-MASDA) President Roberto “Ka Obet” Martin, sinabi nito […]