• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huling quarterfinals slot hinablot ng E-Painters

KASABAY ng panalo ng Rain or Shine ay ang tuluyan nang pagkakabuo sa eight-team quarterfinal round.

 

Nakahugot ng inspiradong laro mula kay James Yap, pinabagsak ng Elasto Painters ang TNT Tropang Giga, 80-74, para ibulsa ang No. 8 ticket sa quarterfinals ng 2020 PBA Philippine Cup kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

 

Tumapos ang two-time PBA MVP na si Yap na may 16 points tampok ang apat na three- point shots para sa 6-4 baraha ng Rain or Shine na tuluyan nang sumibak sa NLEX (4-6).

 

Ang kabiguan naman ng TNT Tropang Giga (7-4) ang posibleng magkait sa kanila ng silya sa Top Four, makakakuha ng ‘twice-to-beat’ incentive.

 

“Sabi ko we have to grab the opportunity now,” wika ni coach Caloy Garcia. “We have to be hungrier than TNT. I think what TNT did today was to practice their plays, give minutes to the other players.”

 

Bukod sa Road Warriors ay talsik na rin sa torneo ang Blackwater Elite (2-8), NorthPort Batang Pier (1-8) at Terrafirma Dyip (1-8).

 

Sa likod ng apat na triples ni Yap ay nakuha ng Elasto Paint- ers ang 43-38 abante sa halftime na kanilang pinalobo sa 67-57 kalamangan sa pagtiklop ng third quarter.

Other News
  • No. 9 top most wanted person ng Valenzuela, arestado

    HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong robbery matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Aerol”, 23 ng Francisco St., Brgy, Gen T De Leon na nasa No. 9 Top MWP ng Valenzuela […]

  • NIGERIAN NATIONAL NA SANGKOT SA CYBER CRIME, IKINUSTODIYA NG BI

    HAWAK  na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Nigerian national na nauna nang naaresto at ikinulong dalawang taon na ang nakararaan dahil sa pagkakasangkot sa credit card fraud and cyber-crime activities.     Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ng BI’s fugitive search unit (FSU) ang Nigerian national na si Emmanuel Obi […]

  • Denden umawra sa Olympic website

    PAGKARAAN ni volleyball ‘phenom’ Alyssa Valdez na rumampa sa website ng Olympic Channel si “Iron Eagle” Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla naman ang sumunod.   Tinampok sa sports website ang volleyball career at achievements ng former national team libero, University Athletic Associoation of the Philippines (UAAP), at incoming player ng Choco Mucho Flying Titans sa pagtawid […]