• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Human trafficking case vs Alice Guo isasampa sa Pasig court – DOJ

NAKATAKDA nang ihain ng Department of Justice (DOJ) ang kasong qualified human trafficking laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ngayong linggong ito.
Ito ay kasunod na rin nang pagpayag ng Supreme Court (SC) sa ­hiling ng DOJ na mailipat ang pagdinig sa naturang kaso mula sa Capas, Tarlac Regional Trial Court (RTC) Branch 66 patungo sa Pasig RTC.
Kumpiyansa ang DOJ na sapat ang kanilang ebidensiya upang mapanagot ang mga respondents sa mga kasong kinakaharap ng mga ito.
Ayon sa DOJ, ang mga kaso sa ilalim ng Republic Act 9208, o The Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, ay non-bailable at may katapat na parusang habambuhay na pagkabilanggo.
Una na ring nailipat ang graft case na kinakaharap ni Guo sa Valenzuela RTC.
Bukod sa qualified human trafficking at graft case, si Guo ay nahaharap din sa tax evasion at money laundering sa DOJ. (Daris Jose)
Other News
  • Oust Marcos plot, ‘hallucination’- Roque

    SINABI ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na “hallucination” lang ang napaulat na planong pagpapatalsik di umano ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto.     Ang pahayag na ito ni Roque ay tugon sa ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes III na dahil sa imbestigasyon ng […]

  • Batas na maghahati sa QC barangay sa 3, “nag-lapse into law”

    “NAG-LAPSED into law’ ang isang batas na maghahati sa Barangay Pasong Putik sa Quezon City sa tatlong “distinct and independent barangays” na walang pirma si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Sa bisa ng Republic Act No. (RA) 11803, mahahati ang Barangay Pasong Putik sa Barangay Pasong Putik Proper, Barangay Greater Lagro, at Barangay North […]

  • China, tinutulan ang Philippine-US defense treaty review –Lorenzana

    ISINIWALAT ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tutol ang China sa planong repasuhin o rebyuhin ang 70-year-old defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.   Ito kasi ang nagbibigkis sa Estados Unidos na ipagtanggol ang Maynila mula sa pananalakay kabilang na ang pinagtatalunang South China Sea.   ‘While the US welcomes the idea […]