• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Humanga rin sa action scenes ni Angeli: RURU, pinuri ang pagganap ni CHANDA bilang pangulo

OVERWHELMED sa tuwa ang Kapuso comedian na si Boobay dahil kabilang siya sa mga biggest and brightest stars na pumirma sa Sparkle sa Signed for Stardom 2024 noong May 16.

 

 

 

 

Matapos ang event, hindi pa rin makapaniwala si Boobay sa kanyang bagong chapter bilang official na Sparkle star.

 

 

 

 

“Well until now, hindi kami [ni Pepita Curtis] makapaniwala pero overwhelming ang pakiramdam na maging parte ng Sparkle.”

 

 

 

 

Labis din ang tuwa at pasasalamat ng Kapuso comedian sa patuloy na pagsuporta ng viewers sa kanyang comedy program na The Boobay and Tekla Show.

 

 

 

 

Kahit anim na taon na ang programa, hindi pa rin makapaniwala si Boobay sa success at tagal ng kanilang palabas. Tila raw ang bilis ng panahon noong nagsimula sila sa social media.

 

 

 

 

“Hindi kami makapaniwala kasi noong una, triny lang namin sa YouTube ‘yung T.B.A.T.S- before kami ni Tekla, tapos linagay sa TV at ngayon, mapapaisip mo, ‘Hala anim na taon na, ilang episodes nagawa na namin every Sunday.’ ”

 

 

 

 

Ngayon at nasa GMA-7 na rin ang noontime program na It’s Showtime, posible kaya magkaroon ng collaboration ang dalawang programa?

 

 

 

 

Sa isang interbyu sinagot ito ni Boobay na, “We’re looking forward na talagang makapag-guest sa atin ang Unkabogable star na si Mommy Vice at kami din sana makapag-guest sa It’s Showtime.”

 

 

 

 

Maliban sa mga bagong pakulo sa The Boobay and Tekla Show, babalik si Boobay sa Canada para sa Sparkle World Tour ngayong August 11. Makakasama niya rito ang Box Office King at Asia’s Multimedia star na si Alden Richards.

 

 

 

 

Parehong lilipad din pa-USA ang dalawa para sa isa pang Sparkle World Tour event kasama sina Isko Moreno, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, at Ai-Ai delas Alas.

 

 

 

***

 

 

 

 

MAS maaksiyon pa ang mga susunod na episodes ng full action series na Black Rider.

 

 

 

 

Sinisikap ng bida nitong si primetime action hero Ruru Madrid na lalong mapaganda ang serye para sa mga manonood.

 

 

 

 

“Ito ‘yung parang bagong yugto na kasi ng Black Rider. Kung nakita natin ‘yung mga pasabog noong first season, nakita natin kung gaano kagrabe ‘yung mga bakbakan, gusto natin mahigitan ‘yung expectations ng mga tao doon sa mga gagawin natin dito po sa bagong yugto,” pahayag niya.

 

 

 

 

Bukod sa mga patuloy na pagganda ng kuwento, mas lalo raw magiging nakakawili ang Black Rider dahil sa mga bagong karakter kabilang si sexy Angeli Khang.

 

 

 

 

“Nakita naman po natin na ang dami pong pumasok na bagong characters. Of couse, si Angeli Khang bilang si Nimfa, nakita natin na marunong pala siyang makipaglaban, marunong siyang bumaril,” kuwento ni Ruru.

 

 

 

 

Pinuri niya rin ang beteranang aktres na si Chanda Romero na gumanap sa serye bilang pangulo ng Pilipinas.

 

 

 

 

“‘Yung mga eksenang ginagawa nga namin, talagang very action-packed. Inangkas ko siya sa motor, maraming mga eksenang nagbabarilan kami so right now, I’m just enjoying every single moment na nagte-taping kami,” lahad ng aktor.

 

 

 

 

Nakatakda ring maging bahagi ng serye ang Running Man Philippines co-star ni Ruru na si Lexi Gonzales.

 

 

 

 

Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program naBlack Rider!

 

 

 

 

***

 

 

 

 

TWICE na raw pinapatalsik sa isang dating app ang former One Direction member na si Zayn Malik dahil inaakusahan siya ng “catfishing” o paggamit ng larawan ng ibang tao para sa kanyang profile.

 

 

 

 

“Everyone accused me of catfishing. They’re like, ‘What are you using Zayn Malik’s pictures for?’” paliwanag ni Zayn.

 

 

 

 

Huling nakarelasyon ni Zayn ay ang supermodel na si Gigi Hadid, at mayroon silang tatlong taong gulang na anak na si Khai.

 

 

 

 

Dine-date ngayon si Gigi ng aktor na si Bradley Cooper at huli silang nakita na nanood ng The Eras Tour sa Paris.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Tauhan ng Sayaff, tiklo sa Kyusi

    ARESTADO ang isang sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District at Criminal Investigation and Detection Group sa lungsod, kahapon (Miyerkoles) ng umaga.   Kinilala ang suspek na si Adzman Tanjal, 32, may asawa, tubong Sabah, Malaysia at nakatira sa Libyan St., Salaam Compound, Barangay […]

  • LTO, PNP pumirma ng data-sharing agreement para sa mabisang pag-iwas at paglabas sa krimen

    PINALAKAS ng Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang ugnayan sa pagpapatupad ng batas matapos lagdaan ang isang kasunduan sa data-sharing na magbibigay-daan sa mga imbestigador ng pulisya na magkaroon ng access sa mga record ng mga sasakyan, partikular na ang mga ginagamit sa kriminal na aktibidad.     Ayon kay […]

  • 10 alkalde na ‘no show’ kay #RollyPH pinalulutang ng DILG

    PINALULUTANG ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang 10 alkalde na napaulat na umanoy ‘missing in action’ sa kasagsagan ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly.   Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, 10 sa kabuuang 1,047 alkalde na ‘nawala’ noong panahon ng bagyo ang pinadalhan na nila ng ‘show cause orders’ nitong […]