• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hundred million percent na sure na: KHALIL, pakakasalan at ‘di na pakakawalan ang long-time gf na si GABBI

INAMIN ni Kapuso actor Khalil Ramos, nang mag-guest sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Monday, na he’s “a hundred million percent” sure nang ang pakakasalan niya ay ang long-time girlfriend niyang si Kapuso actress Gabbi Garcia, when the time comes.

 

 

“Realistically kasi when we started  our relationship we really intended our relationship to last,” sabi ni Khalil.

 

 

“We are the type of people who date to marry also.  We’re really in it for the long run at napag-usapan namin yun especially now, six years down the line. We’re not getting any younger, and eventually, we do need to settle down.”

 

 

Sa ngayon, Khalil is in the live musical “Tick, Tick…Boom” and he’s supported by Gabbi, na napapanood naman gabi-gabi sa “Unbreak My Heart” collab project ng VIU, GMA-7 at ABS-CBN.

 

 

***

 

 

SA Japan nag-celebrate ng kanyang 27th birthday si Sparkle artist Thea Tolentino, for a well-deserved vacation.

 

 

May mga fans na nagtatanong kung solo lamang nagbiyahe si Thea dahil naglabas siya sa Instagram niya ng several photos of her wearing a beautiful kimono in Tokyo at mag-isa lamang siya.

 

 

Her caption: “celebrating my birthday in Japan for the first time.  So happy to be back para makapag-recharge,”

 

 

Thea also shared she has been learning a lot from all the traveling to places lately at ang dami niyang natutunan.

 

 

“There have been a lot of ups and downs but I know that I can handle things better and I’m kinder to myself now.”

 

 

Nag-post din si Thea ng photos niya noong first and second day niya sa Tokyo, na she got lost in Shibuya Station for almost two hours.

 

 

“Getting the hang of trains here again.  Warm up lang pala yung day 1. To more gala, food and fangirling on this trip.”

(NORA V.  CALDERON)

Other News
  • Utang ng Pilipinas nakapagtala ng bagong record na umabot sa P12.6T

    MAS lumawak pa ang utang ng gobyerno ng Pilipinas kung kaya ay nakapagtala na naman ito ng bagong record-high noong katapusan ng Marso.     Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsisikap na makahiram upang palakasin pa ang kaban ng estado para sa mga gagawing hakbang sa pagbawi ng COVID-19 kasama ng mas mahinang […]

  • Nagbahagi ng mga pinagdaraanan sa pagbubuntis: KRIS, pinatulan ang netizen na nag-comment ng, ‘blessing yan, parang pinagsisihan mo?’

    MARAMING naloka at nag-react sa latest Instagram post ni Kris Bernal tungkol sa kanyang pagbubuntis.     Ipinost nga ng aktres ang isang video na kung saan twenty-six weeks na siyang nagdadalang-tao. Ipinakita niya ang lumalaking baby bump at nakasuot pa siya ng pink bikini.     Caption ni Kris, “Same fit but add another […]

  • DOLE, NAKATAKDANG DESISYUNAN ANG WAGE HIKE PETITIONS

    INAASAHAN na raw na maglalabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng kanilang desisyo nsa mga wage hike petitions sa lalong madaling panahon.     Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, posibleng sa mga susunod na mga linggo ay may desisyon na rito ang RTWPB.     Aniya, […]