• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Huwag agad maniwala sa ‘fake news’ – Comelec

MULING  nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na huwag agad-agad maniniwala sa mga kumakalat na ‘fake news’ lalo na sa social media.

 

 

Kasunod ito nang pagkalat umano ng mga video na may ilang mga guro mula sa Sultan Kudarat ang nilalagyan na ng shade ang mga balota kahit na ipinagbabawal ito sa batas.

 

 

Ayon kay Garcia, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na pormal na ulat hinggil sa mga nasabing masamang gawain.

 

 

Bagama’t may ilang video at larawan nga na kumakalat hinggil dito ay sinabi ng commissioner na kinakailangan muna itong sumailalim sa verification ng komisyon.

 

 

Aniya, mas mabuti kung sa pagboto na lamang itutuon ng mga botante ang kanilang pansin sa halip na magpaniwala pa ang mga ito sa mga kumakalat na fake news.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Comelec Commissioner Rey Bulay sa publiko na mahigpit na babantayan ng komisyon ang magiging resulta ng halalan ngayong taon.

Other News
  • Ads January 13, 2024

  • Psalm 86:11

    Teach me your ways, O Lord, that I may live according to your truth.

  • 4th EDDYS, mapapanood worldwide sa FDCP channel at sa iba’t-ibang platforms

    MULING nagsanib-pwersa ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa ikaapat na edisyon ng EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa Marso 22.     Sa ikatlong pagkakataon, buo pa rin ang suporta at tiwala ng FDCP sa SPEEd, pati na rin sa EDDYS, ng […]