Huwag hayaan ang dishonesty, pang-aabuso sa trabaho
- Published on August 10, 2022
- by @peoplesbalita
PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kapulisan na magtrabaho na may integridad at huwag hayaang hindi maging tapat at abusuhin ang paggampan sa kanilang tungkulin.
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang ika-121 Police Service Anniversary celebration na idinaos sa PNP Multi-Purpose Center sa Camp Crame, Quezon City.
Sa naging talumpati ng Pangulo, hinikayat niya ang mga police officers na gawin ang kanilang makakaya na hindi masasakripisyo ang kanilang integridad bilang public servants.
“I enjoined all of you to give it your best as you always have, without sacrificing your integrity as servants of the people. Let us be united in supporting the PNP leadership and its crusade against those who intend to inflict harm and disorder,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Let us continue to conduct our business with utmost integrity and accountability and let us not allow even a hint of dishonesty and abuse to enter that narrative,” dagdag na pahayag nito.
Bilang nangunguna sa kapayapaan, sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga police officers ay ang isang halimbawa ng uri ng lider sa bansa na kailangan para malampasan ang problema.
“With solid support of vast majority, there is no doubt in my mind that we will overcome and triumph in the end despite all odds,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, pinaalalahanan pa rin ng Punong Ehekutibo ang mga police officers na ang paggamit ng dahas alinsunod sa kanilang tungkulin at gampanin ay dapat na “reasonable and justifiable.”
Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na maraming mga police officers ang nagpahayag ng “important values” na maaaring makamit sa pagpapakita at pagganap sa tungkulin.
Giit pa rin ng Pangulo na dapat lamang na gawin ng police force ang kanilang tungkulin na patas at walang kinikilingan o pinapanigan.
“Given the gravity, the seriousness, the difficulty of the responsibility and relative influence that you carry, it is a must that the application of your mandate is firmly grounded on moral principles, integrity, accountability, and honesty to ensure continued public rapport and support from the public for the PNP,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.
“For instance, the use of force must always be reasonable, justifiable, and only undertaken when necessary. Execution of authority must be fair, it must be impartial, it must be devoid of favoritism or discrimination regardless of race, gender, socio-economic status, political affiliation, religious belief, and the like,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, binanggit din ng Pangulo ang mga pagsubok na pinagdaanan ng Philippine National Police “as it continues to march forward relentlessly pursuing safety, security, and peace for everyone to enjoy and relish as we go about our daily lives.”
“To be honest, for the work that you do, I am more than convinced that police service is a calling that not everyone is capable of rendering as it requires a moral standard that is usually inherent in our being and demands enormous commitment and responsibility that sometimes admittedly are difficult to endure,”aniya pa rin.
Kumpiyansa naman ang Chief Executive na magiging ” great complement” sa kanyang administrasyon ang liderato ni newly-installed PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. lalo na sa pagsisikap ng pamahalaan “towards a complete rebirth and restoration of a brighter, safer, and more prosperous Philippines in the days ahead.”
“I am confident that we have chosen the right leader in his person to head the PNP so that it continues to evolve, continues to grow, and to develop into a well-balanced institution — effective and capable of steadfastly rendering faithful service to our sovereign nation and all its citizenry,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng liderato ni Azurin, nais ng Punong Ehekutibo na masaksihan ang police organization na mayroong “higher sense of commitment, determination, and cooperation.”
“Chief PNP General Azurin’s able governance will serve as the impetus that would further develop and strengthen the PNP in its resolve to promote goodwill and harmony in the heart of our motherland,” ayon kay Pangulong Marcos.
Matatandaang, noong nakaraang linggo lamang pormal na umupo si Azurin bilang bagong hepe ng PNP. (Daris Jose)
-
Putin, nagpadala pa ng halos 100% forces ng pre-staged forces sa Ukraine – US official
NAGPADALA pa ng karagdagang pwersa ng Russia sa Ukraine si Russian President Vladimir Putin. Ayon sa isang senior US defense official, ito halos nasa 100 porsyento ng higit sa 150,000 na pwersang naunang itinalaga ni Putin sa labas ng nasabing bansa bago pa man nito isinagawa ang pananalakay. Samantala, ipinag-utos namn […]
-
Pasok suspendido sa gov’t offices, eskwela sa NCR, 6 lalawigan dahil kay ‘Florita’
SUSPENDIDO na ang pasok sa lahat ng pampublikong paaralan at tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at anim pang probinsya mula ngayon hanggang ika-24 ng Agosto dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm “Florita” at Habagat. Nag-ugat ito sa mungkahi ng National National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay […]
-
‘Di lang napayagan dahil sa 10-year contract sa Dos: LIZA, lumalabas na inoperang mag-audition bilang Mary Jane sa ‘Spiderman: Homecoming’
PINAG-UUSAPAN ngayon ang ni-reveal ng Korean-American businessman na Jeffrey Oh tungkol sa controversial actress na si Liza Soberano. Ibinulgar nga ng business partner ni James Reid sa ginanap na 2nd Philippine Creative Industries Summit na mayroon daw offer noon kay Liza na mag-audition para sa character ni Mary Jane sa Marvel blockbuster movie […]